ABKB#6- A celebration

250 9 6
                                    

(Zyril's POV)

*KRING KRING*

Hay buti naman at breaktime na. 

Kanina pa ako naiinis dito sa katabi ko eh. Mas masahol pa to kay Curtney eh. Gusto niyong malaman kung sino? 

Sino pa ba edi yung mahangin na transferee, na galing lang naman sa kabilang section.


Tumayo na ako kaagad "Muse ko, aalis ka na? Iiwan mo ba ang gwapo mong escort?" napapikit na lang ako sa sinabi niya. 

Sabi sa inyo eh, ubod ng hangin, bagyo na nga ata eh.

"Manahimik ka! Wag mo kong susundan" pabulong na sabi ko, ayaw ko lang maka-agaw ng atensyon.

Ang di ko lang malaman ay kung paano kami naging ganito ka-"CLOSE" eh parang kanina ko lang siya nakita at nakausap.

Masyadon siguro siyang epal, tama. Talino mo talaga Zyril.

"Sige, ibili mo na lang ako para di mapagod ang habulin mong escort" nilingon ko siya at binato yung bagay na unang nahawakan ng kamay ko.

"Uy libro ko yan" rinig kong sabi ng kaklase ko, napa-atras siya nung tignan ko siya "Sabi ko nga ako na kukuha eh" dugtong niya.

"Ang kapal mo! CHE!" sabi ko sa mahanging transferee at lumakad na ako palabas ng room.

"Ayie! Yan na ata ang lovelife mo" sabi ni Curtney na may tusok tusok pa sa tagiliran ko nang mahabol niya ako sa labas.

"Mangilabot ka nga! Araw- araw na makakasama ang tulad niyang bagyo? Nako, papakamatay na lang ako" sabi ko na nagdire-diretso na lang, nasan kaya si Zichie?

"Aysus! Wala daw paki pero tinitignan naman"

"Di naman eh" si Zichie kaya yung hinahanap ko, "Tara na nga, nagugutom na ako"

Habang naglalakad, nakita ko si Zichie na kausap sila Trishia at Kathy, bakit ba lagi na lang silang magkakasama? May gusto ba si Trishia kay Zichie ko? Arrrgh. 

Habang naglalakad papunta sa kanila, napatingin si Zichie sa amin. 

Nakita kong nagpaalam siya kila Trishia tapos tumingin muna sa akin bago umalis papuntang other hallway.

"Ah, Curt! Magsi-CR muna ako, magpapalit lang ng, you know, red alert." paalam ko kay Curtney.

"Tara, samahan na kita"

"HINDI!" nagulat siya nung tinaas ko ang dalawa kong kamay para pigilan siya kaya ngumiti ako at binaba agad "Wag na, baka maubusan tayo ng upuan. Mauna ka na, sa dating pwesto ah" tapos umalis na ako bago pa siya makaapela ulit.

Naglalakad ako ngayon dito sa hallway na pinasukan ni Zichie. 

Nung nasa may hagdan ako, biglang may humila sa akin. Sisigaw sana ako kaso tinakpan niya yung bibig ko

"SSHH SSHHH! Ako to, ZJ" bulong nung humila sakin. 

Tinignan ko siya, nung nakita ko yung nakangiti niyang mukha. Kumalma ako... tapos pinalo ko siya. 

Binitawan niya ako para i-shield yung sarili niya "Aray! Tama na! Uy, Aray! Ouch"

"Letche ka! Bat ka ba nanghihila!?" tanong ko nung kumalma na ako.

Ang boyfriend kong baklaOnde histórias criam vida. Descubra agora