ABKB#21- STAR show during dark times

104 2 0
                                    

Here's your part. harthart :))

---------------------------------------------------------

Tapos na ang weekends, monday nanaman.. Balik nanaman ako sa pagiging 'nerd' ng TAA.

"Oh tapos? Anong nangyari?" tanong ni Curtney

"Ayun. Di ko din nalaman eh, nagmamadali na din kasing umuwi si Zichie"

Nandito kami ni Curtney sa may corner ng classroom, wala kasi kaming first subject eh at kakatapos lang kanina ng flag ceremony.

Sila Zichie naman, pumuntang glass room office para simulan yung gagawin nila ngayong taon, ewan ko sa kanila.

Anyway, kwinento ko kay Curtney yung nangyari nun sa party, no hiding and secrets na nga daw kasi eh.

"Ano ba yan? Bitin. Kausapin mo kaya siya ngayon?" sabi niya na nakaturo ng patago kay Kim.

Remember, yung sa party, si Kim na anak ng may-ari ng agency na under ako ay fiancee ni Kean na heir ng agency nila Zichie. Ang komplikado, right? Di ko din alam kung bakit ganun.

Pero honestly, alam ko naman na may anak ang president ng MDS agency ee, di ko pa lang nakikita sa personal kasi nag-aaral nga daw sa Pilipinas at di ko alam na si Kim na nerd na seatmate ko pala iyon, how coincidence.

"Wag na no. Di niya rin kaya ako pinapansin, feeling ko ayaw niyang pag-usapan ang tungkol dun" sabi ko

"Baka naman kasi di niya alam na artista ka?"

"Ewan. Impossible? Anak siya ng president namin tapos di niya alam? Si Kean nga na anak ng kabilang agency alam, siya pa kaya na anak ng mismong agency ko? Impossible lang"

"Sabagay." sabi niya sabay sigh.

*sigh*

Di ko pa rin nakakausap si Kean hanggang ngayon, lumabas nga siya ng room nung inanounce na walang teacher eh.

Maya- maya, bumukas yung pinto. Umappear ang ulo nung isang chismosa namin.

"Halikayo! May nakapaskil sa bulletin board!! May girlfriend na daw si Zichie!!!" 

Nanlamig ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Curtney yung kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Tara?"

Di ko alam. Tumayo ako tapos dahan- dahan na naglakad palabas ng room.

Di kaya yung kahapon yun?

Alam ko sinabi ko na wala na akong pakielam kung malaman nila pero parang ang bilis lang

Tsaka di ko alam kung anong irarason ko..

Sasabihin ko ba na 'Ako si Zyril, artista sa ibang bansa, dun ko naging boyfriend si Zichie'

*badump badump*

Hays sus. Feeling ko lumulutang ako habang naglalakad

Papalapit sa lugar kung saan nagkakagulo sila

Napatingin ako kay Curtney nung hinawakan niya uli yung kamay ko

"Sino yan?"

"Ang pangit naman ng kopya!!"

"Parang pamilyar, wait!"

"Peram ako!!"

"Patingin naman!!"

"Oy! Akin nga!!"

At kung ano- ano pang sigawan sa paligid.

"Umalis na lang tayo" sabi ko

Ang boyfriend kong baklaWhere stories live. Discover now