ABKB#4- The flashback

324 12 6
                                    

15 minutes na katahimikan ang lumipas, seryoso, ganun katagal siyang naka-squat pa rin sa harap ko at nakatingin sa kawalan.

Alam kong OA pero ganun ba talaga ka-big deal sa isang lalaki ang magpanggap na bakla sa isang buong school year? 

Sa kanya ata oo, base na nga sa reaksyon niya diba? 

Naalala ko tuloy nung sa Breaking Dawn part 1, kung nabasa niyo yung libro, naging parang sculpture si Edward nung nalaman niyang buntis si Bella hehe. 

By the way, wala naman talaga tayo dyan, ito kasing si Zichie ayaw gumalaw eh.

Aalis na sana ako para maghanda ng pagkain sa baba kasi nagugutom na ako kaso hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan ko siya, nakatingin pa din sa kawalan.

"Teka lang, babalik ako---" panimula ko kaso bigla siyang tumayo kaya napaatras ako, kasi magkikiss kami kapag di ako kumilos >//<

"Is that what you really want me to do so I can stay here by your side?"

Naramdaman kong namula yung mukha ko, bumabanat kasi ng ganun tapos naka- serious look pa, nakakainlove lalo taena.

"A-ah eh, ano, umh. Bahala ka n-naman talaga dyan eh." Nakatingin lang siya ng diretso sakin, umiwas naman ako kasi nakaka-concious.

"A-ano na lang, umh, p-pwede naman yung, ano, yung totoong ikaw, tapos, ano, we just act na lang as normal classmate, l-like t-that" patuloy ko tapos tumingin ako sa kanya and I tried to smile pero parang ewan na ngiti lang, yung parang alam kong alam niyang niloloko ko siya pero go pa din ako sa pagsisinungaling ko. GANUN YUNG NGITI KO.

 "Nope." nagulat ako kasi niyakap niya ko bigla. 

"I'll pretend. I know why you said that, you're becoming my jealous girlfriend again" tapos hinigpitan niya pa yung yakap at binaon ang mukha niya sa may ilalim ng leeg ko.

"O-oy! A-ng kapal a-ah! H-hindi kaya. No!" tinulak ko siya kasi nakikiliti ako tsaka ang kapag naman talaga kasi ng mukha. Madaming nauwi na confident to galing US.

"You're heart is beating faster, you're lying. But don't worry, I'll try my best to avoid those girls you're jealous of." sabi niya at nag-smirk pa ang loko, inirapan ko nga.

The deal is finally over, anebeyen! Napapa- English tuloy ako, si Zichie kasi english nang english.

Tinignan ko siya "Wag kang magi-english sa school, nakakahawa ka" nagkibit balikat lang siya. 


Nandito kami ngayon sa kwarto ko ulit, nakahiga sa kama (Oy! Mga utak pakilinis, thank you) nakasandal siya sa may headboard tapos nakapatong yung ulo ko sa chest niya.

Kumain nga din pala kami kanina, nag-order na lang siya, wala daw siyang tiwala sa luto ko, BAD. 

Tapos yung deal? Okay na nga, classmate ko siyang magaslaw (sabi niya yun daw ang gamitin na word) at boyfriend when no one's around. 

May bahay din sila na malapit dito sa amin pero makikitira siya dito sa bahay kapag walang masyadong ginagawa.

"Diba maaga tayo bukas? Matulog ka na kaya." bigla niyang sabi.

"Aysus! Para namang di ako sanay sa puyatan." well, malamang walang artista ang di napupuyat lalo na yung gaya ko. 

Wait! May nais lang akong linawin. 

Kahit parang masyado na kaming close sa isa't isa (malamang syota ko) I mean, yung ito, yung natutulog ng magkatabi. Di ko pa naman sinusuko ang perlas ng silanganan ko, napag-usapan nanamin yun dati nang di sinasadya...

Ang boyfriend kong baklaWhere stories live. Discover now