ABKB#1- 'What the hell' day

710 14 4
                                    

That's Zyril Joy Montemior sa taas.

________________________

Nandito na ako sa school. Second week na at ang boring na talaga. 

Kasalukuyan kong hinahanap yung kaibigan ko, lagi kasi kaming sabay pumasok pero nag-iintayan lang kami sa may gate.

"OOH! Late na ba tayo?" speaking of the devil, siya si Curtney, isa sa totoong mga kaibigan ko. 

"Malapit pa lang, hayaan mo na, lagi namang late yung first subject teacher natin eh" sabi ko pero hinila ko na din siya kahit di pa siya nakakarecover sa layo ng tinakbo niya.

"Wait lang! dahan dahan naman" sabi niya pero hinihila ko pa din sya, malay mo mag-change ng mind yung teacher namin at maagang pumasok.

"TEKA! Tignan mo oh! Diba sila Shane yun?" napatingin naman ako "Bakit naman sila nandun, tsaka pati yung iba nandun din ah" sabi ko

"Baka PE natin ngayon? Buong klase nandun eh" binatukan ko naman siya. 

"Grabe to!" reklamo niya.

"Kung PE natin ngayon, bakit lahat sila naka-uniform?" tanong ko sa kanya, nag 'sorry' look naman siya.

"Tara punta tayo!" hinila naman niya ako pero naiwan din ako kasi biglang may nang-gitgit kaya napahiwalay ako kay Curtney. Langya tong mga to, ouch na nga ako nang ouch di pa din umaayos. 

Sumiksik na lang ako hanggang sa makalabas ako. Tumingkayad ako para makita ko si Curtney kaso maliit nga pala ako.

"Nakita mo na yung transferee?" napatingin naman ako sa may harap ko, mga kabatch ko to ah. At may transferee daw? Bakit ngayon lang, second week na din ah.

"Engot neto! Mas matangkad ka kaya sakin, ikaw kaya ang humanap?" sabi naman nung kasama niya at nag-away na nga sila dun. Naglakad na lang ako palayo, papasok na lang ako.


*SA ROOM*

"Kilala mo yung transferee?" tanong ko sa seatmate ko, si Kim. Walang masyadong tao dito, siguro ¼ ng classmate ko nandun, mga nerds at tamad ang naiwan dito eh.

"Hindi eh, nakita ko nga na pinagkakaguluhan siya" sagot niya.

"Nakita mo na?"

"Oo, siniksik kasi ako nila Shane kaya medyo nakita ko yung mukha niya"

"Grabe naman yun. Artista ba siya at pinagkakaguluhan siya nung mga tao" pabulong kong sabi.

"Ewan ko din eh. Pero mala- artista naman yung mukha, kaya nga nagpasikat agad sila Shane dun eh" napa-ngiti na lang ako ako sa sagot niya.

"HEHE oo nga, mahilig nga pala sila mag-boy hunt" sabi ko while nag- kibit balikat.

Gumawa na lang ako ng assignment na di ko natapos kagabi. Nakakatamad na kasi, mas masarap matulog kaysa gumawa nitong mga to eh.

Maya-maya ay nagbell na din pero after 20 mins pa ata umakyat tong mga classmate ko, ang mga naririnig ko sa usapan nila ay 'Gwapo, maputi, matangkad, cute, artistahin at iba pa'

Grabe naman yun, perpekto lang? Aish. After 10 mins naman ay dumating na din si Sir. Nagpa-copy lang siya ng lecture niya tapos nandun lang siya sa harap, pinapanuod kami.

Ang boyfriend kong baklaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon