ABKB#8- Epic

237 4 0
                                    

Zyril's POV


"Si Kean!"

"Omygosh! Si Paul my loves"

"Hi Kean!"

"Sino yung girl?"

"Muse nila?"

"Bakit ganyan?"

"Akala ko si Trishia, may pag- asa na tayo sa wakas"

"Wapakels, basta si Kean ko!"

"Nakakarindi" bulong ko. 

Nakakainis naman to, sana si Kean na lang ang pinag-uusapan nila, bakit kasama pa ako? 

Kasalanan ko bang maging escort nitong panget na ito? HAAAYS!

"Okay lang yan, muse ko! Ipapakita natin kung sino ka talaga at di ka dapat ginaganyan" napatingin naman ako sa kanya, kung sino ako talaga?

"Eh ito na nga eh, wala ka nang maiipapakita at hindi ko ipapakita to kasama ka" sabi ko.

Tumawa siya "Basta kumanta ka lang. Para manalo tayo, okay?"

Ano bang alam neto at napaka-confident sa plano niya? Jusmiyo.

"AYOKO! Bahala ka!" at nauna na akong pumasok sa loob ng Auditorium para hanapin yung upuan namin.


Mga ilang minutes lang after namin maupo ay sinimulan na yung program. 

Parang magkakaroon kami Mr. and Ms. Author's Academy ngayon kasi daw ang mapipili ay mag-rerepresent ng buong school kapag nag-meeting ang mga E- seniors sa ibang lugar, ewan ko ang dami nilang alam kaya di ko gets yung iba.

"Number 8 tayo, ready ka na ba?" tanong ni bagyo.

"Hindi ako kakanta, seryoso ako. Hindi na lang ako kakanta para di mapahiya yung section natin" seryosong sabi ko na nakatingin pa sa mata niya para malaman niyang seryoso talaga ako.

"Pero... Okay hindi na, anong gagawin natin?" nagulat ako kasi biglang lungkot ng mukha niya, sa buong araw na magkasama kami ngayon ko lang nakita tong expression niya.

Tumingin na lang ako sa paligid para maka-isip ng gagawin. 

Nakita ko yung isang kumukuha ng picture na may hawak na album ng kung sinong singer pero may naalala ako.

"Sayaw! Marunong kang sumayaw?" biglang tanong ko.

"Ako pa, ikaw ba?" tinanong ko pa, perpekto ata ito eh. Di ko alam pero gumaan yung dibdib ko nung nawala na yung expression niya kanina.

"Medyo, alam mo yung Dance our Love ng KLove?" tanong ko. 

Teka baka di niya alam to, ano ba naman tong pinasok ko nanaman oh.

"Hindi, pero magaling naman ako pwede ko yang makabisado agad kung tuturuan mo na ako" naka-ngiti na sabi niya.

"Ang hangin" sabi ko with paypay sa mukha ko gamit ang kamay ko.

"Totoo naman, tara na nga kasi. Balik na lang tayo dito" at hinila niya nga ako papunta sa kung saan.


Nandito kami ngayon sa empty hallway. 

Buti meron akong file nung kanta sa cellphone ko kaya pinatugtog ko na iyon.

Ang boyfriend kong baklaWhere stories live. Discover now