ABKB#5- First day GAY

294 5 4
                                    

That's Kean Paul, you'll know him in this chapter.

--------------------------------------------------------

(Zichie's POV)

Ang tagal tagal naman ni ZJ. 

Dapat talaga hinintay ko na lang siyang makapagayos, baka nakatulog ulit yun. 

Kanina ko pa siya tinitext at tinatawagan pero ayaw niyang sumagot, mamaya may pumasok na sa bahay nila, mapano pa yung mahal ko. 

Oo, corny ako pero sa mahal ko lang naman yun at yun ay si ZJ. 

Bata pa lang crush ko na yun hanggang sa umabot na sa puntong nagpasikat din ako para lang malapitan ko ulit siya at hanggang ngayon na magpapanggap akong, yun alam niyo na yun, nakakabwisit kaya matawag na bakla.

Pasimple lang akong nag-dadial nung lapitan ako ni Trisha kasama yung kaibigan niyang si Kathy.

"Hello, Zichie!" bati ni Kathy.

"Hi!" sabi ko naman, di ko alam kung paano magpanggap kaya medyo nag-research ako kagabi habang nanunuod si ZJ nung drama.

Tinaas ko yung kilay ko in a friendly way as if asking kung ano yung kailangan nila, nagtinginan sila tapos nag 'ohh'. Gumagana kaya?

"Ano!" sabay hampas ng mahina sa kamay ko, na hinimas ko naman gamit ang isa kong kamay na parang ang sakit na nakangiti 

"Balita kasi namin, magaling na leader ka daw. Magkakaroon ng E- seniors mamaya, isasali ka namin" sabi ni Trishia na parang na-eexcite, ako naman nakangiti lang sa kanila habang nag-aayos ng buhok ko habang patagong tinatawagan pa rin si ZJ. Galing ko no?

"Bakit naman ako? Kakapasok ko lang, isasalang na agad sa mga ganyan..." sabi ko na may hawak hawak pa sa chest na parang di talaga makapaniwala na maarte ang ayos ng kamay at nakataas ang dalawang kilay, tapos ayos ulit nang buhok.

Nagbell na, wala pa rin si ZJ.

"Okay lang yan, masaya daw dun sabi nung mga seniors dati" sabi ni Kathy.

"Masaya kasi madalas nae-excuse" dagdag ni Trishia tapos tumawa sila edi tumawa din ako, hinawakan ko yung wrist ni Trisha para humarap siya sakin tapos pati yung braso ni Kathy.

Kaya ko 'to! Para kay ZJ!

"Ano ba kasi yung E-churvaness na yan?" tanong ko na ikinagulat nila, nabasa ko kasi yan kagabi.

"Oh my!" sabi ni Kathy na may pag-lagay pa kamay sa bibig niya. 

"Are you a... you know?" dugtong ni Trishia na itsurang takot sa isasagot.

Nagreply si Zj kaya tinignan ko siya saglit tapos nagreply ng smiley lang kasi itong dalawa ang something ng tingin nila sakin.

"Ay grabe sila. Wag nga kayong judgemental" sabi ko sabay ayos ulit ng buhok.

Napa-ngiti ako nung ngumisi sila, does this mean na gumagana yung mga ginagawa ko, right?

"Sayang ka naman, ang gwapo mo pa naman" sabi ni Trishia na umi-iling iling pa.

"So?" tanong ko.

"Oh My talaga! Kaya pala magaling kang leader" sabi ni Kathy na nagno- nod pa.

"Ano ba kasi yung E- Seniors na iyon?" I asked para maiba yung topic.

"Yun yung eleksyon na parang magli-lead sa lahat ng seniors" sagot ni Kathy.

Ang boyfriend kong baklaWhere stories live. Discover now