Chapter 21

11.7K 280 19
                                    


"Love, tama na yan. Wag mo nang pagudin yung sarili mo." sabay kuha nya nung electric base guitar ko.

Tinignan ko sya saka sumimangot. Nababagot ako. Wala akong magawa dito sa bahay.

"Yan nalang ang magagawa ko, ayaw mo pa?" sabay talikod ko.

Pumwesto sya sa gilid ko saka ako niyakap. Naka hawak yung kamay sya sa malaki kong tyan. Hinalikan nya ako sa pisngi saka bahagyang hinile. Napaka sweet nya simula ng malaman nyang buntis ako.

Honestly, napaka selan ni Rhyne.

"Pero mapapagod ka. Masakit sa fingers ang pag tugtog ng gitara. Baka masaktan si baby.." malambing na sabi nya.

"Ang o.a mo kamo." sabay irap ko.

Tumawa lang sya. Nag lakad na ako palabas ng entertainment room ng nahinto ako. Kahit si Rhyne na nag hu-hum ng kanta ay natigilan. Napa tingin ako sa kanya.

Naka tingin lang sya sa sahig..

"L-Love, isn't that.. water?" tanung nya. Napa tango ako. Biglang may lumabas na tubig sakin. Kasabay nun..

"A-Ahhh! Rhyne ang sakit ng tyan ko!" sa biglang kirot nun muntikan pa akong mapa dausdos.

Mabuti nalang mabilis sya. Binuhat nya agad ako saka dinala sa garahe ng bahay namin. Sobrang sakit ng tyan ko and in any minute parang may malaking bagay na lalabas sakin! Manganganak na ako!

"Fuck! Yaya yung susi ng kotse! And the bag with baby dresses, bring it out!" sigaw ni Rhyne.

Natatarantang nag labasan yung mga yaya. Yung isa tumawag na agad sa family namin. Mabilis napatakbo ni Rhyne yung kotse. Pag dating sa ospital dinala agad ako sa delivery room.

"A-Ahhhh!!!" sigaw ko. Sobrang sakit talaga!

"Misis iiri nyo pa po! Isipin nyo nalang na kailangan nyo mailabas si baby ng safe!" sabi ng babae.

"Love, andito lang ako. Please do your best!" hawak ni Rhyne yung kamay ko.

Dun ako kumuha ng lakas ng loob.

"Rhyneee!!! Shit, Whoa! Ang sakiiit!!!" Hindi naman ganun kalakas yung boses ko.

Pag tingin ko naka pikit si Rhyne at bumubulong-bulong. Nag dadasal. Nag focus ako sa pag iri hanggang sa natigilan na kaming dalawa sa palahaw ng isang sanggol.

Napa ngiti ako. Tinignan ko si Rhyne. Naka tulala syang naka tingin duon sa baby. Nag iwas sya ng tingin pero nakita kong may tumulong luha sa kanya.

"A healthy baby girl po. 9lbs ang bigat nya. Ang laki ni baby, mister!" tuwang-tuwa na sabi ng nag paanak sakin.

Ngumiti lang ako saka napapapikit.

"Ma'am, Sir. Anu po'ng name ni baby? Naka isip na po ba kayo?" tanung ng nurse. Tinignan ko si Rhyne.

"You should name her." hirap na sabi ko. Pagod eh.

"Rhyon Addams-Collins." napa ngiti ako.

"Mixture of our names?" ako.

"Yes.. Thank you for this baby, Shon. Thank you.. I love you." sabay halik nya sa labi ko. Tumango nalang ako at natulog.

---

RHYNE'S 

"Kamukha ko sya.."

Sinimangutan ko si Kuya Calleb. Kahit saan mo tignan, kamukha ko yung anak ko! Pinigilan ko yung daliri nya. Idukdok ba naman sa mukha ng anak ko!

Sobrang taba kasi ng pisngi ng baby ko kahit sabihin nating ilang days palang. Breastfeed ata ang baby ko!

"Baka magka pasa. And please, put some alcohol before you touch my daughter!" sigaw ko sa kanila. Ang kukulit!

Naka uwi na kami sa bahay at parang may party dahil lahat sila narito na!

"Ang selan mo naman!" sabay pout nya.

"Uncle Rhyne, she's so beautiful po.." manghang sabi ni Cleo.

"Thank you. Syempre naman, walang panget sa mga Collins." sabi ni Shon

"Uncle.. Does that mean I'm no longer your baby kase narito na si Rhyon? Hindi mo na ba ako love after nya dumating? Uncle Rhyne ayoko! Sabi mo sakin ako lang yung baby mo diba?" naiiyak na sabi ni Cleo. Natigilan tuloy kami.

Umiyak na sya tapos tumakbo sa daddy nya. Pinaliwag naman ni Ate Frio na hindi ganun yung mangyayari. Yung kambal nga nila, pinag tampuhan din ni Cleo eh.

"Mommy! Ang ganda nya! She's my sister naman din po diba? Papa, you won't get mad if I take care of her as my baby sister diba? She's so maganda po, parang kagaya ko, pogi!!" Enrico.

Napa ngiti ako saka tumango. Grabe ang daming tao dito sa bahay. Parang blessing yung pag dating ni Rhyon dahil lahat kami nagka gaanan ng loob.

Nahagip pa ng mata ko si Rust na naka pamewang sa harapan nung babysitter ni Enrico. Mmm.. Baka naman sila din?

Si Enrico, sabi nya idol nya ako at gusto nya na maging papa ako. Kaso daddy na ang tawag nya kay Rust kaya Papa nalang daw ang akin. Ayos lang naman sakin. Hindi naman na kasi pwede mabago iyon.

"Ano ba yan! Sa tingin ko madami ng chikiting masyado! Winter, dagdagan narin natin! Paramihan tayo ng mabubuntis!" sigaw ni Summer na nagpa tawa samin.

I never thought this scene will ever happen ng malaman ko na wala na si Shon. But I was wrong.

Mas maganda pa sa inimagine ko dati ang meron ngayon.

That's because I love.

Dahil sa hindi ako sumuko sa pag mamahal ko sa babaeng naging dahilan kung bakit ganito ako ngayon.

Kung bakit natutunan kong maging totoo sa kung sino ako.

"Love, may problema ba?" naka tabi na sakin si Shon.

"Nasan si Rhyon?" tanung ko.

"Karga ni Kuya Shane. Love, ang lalim ng iniisip mo ah." sabay yakap nya sakin. Niyakap ko rin sya saka hinalikan sa buhok.

"I'm just happy. Kumpleto na tayo.. At masaya tayo. Mahal na mahal kita Shon.. Kaya pag nawala ka na talaga. Baka hindi ko na makaya.. Baka sumama ako sayo." hinampas nya ako sa braso.

"Ano ka ba!" ngumiti lang ako. Nag pout sya.

"Kidding. I love you Shon. Thank you for falling in love with me." masuyong sabi ko.

"Of course. I'm happy as well,

because I fall in love with my lovely ice prince."

--------

A/N: Votes and Comments,











My Lovely Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon