Wizard's Tale 2: Chapter 23

117K 2.9K 466
                                    


(Author's POV)


Hinintay lang nina Chief Clive at ng buong Terrashaw na magising ang kanilang Prinsesa bago nila umpisahan ang libing ng mga nasawi sa pag-atake ng kalaban. Maraming nabawas sa populasyon ng Terrashaw, karamihan ay kababaihan at mga kabataan.

Wala halos nagawa ang tribo nila dahil sa mga uri ng nilalang na umatake sa kanila.

May mga Animus Reaper na nanghihigop ng kaluluwa at may kakayahang i-trace ang amoy ng may dugong Lux.

May mga nakakatakot rin na Bone-Eaters na kapag nakakagat ay imposible nang makakawala dahil uubusin na nito ang buto ng biktima. Ang nilalang na ito ang nakadale kay Myera at ilang pang kawal na kasama nila.

At may mga Mud Creepers din na hindi tinatablan ng kahit na anong Earth Spells at hindi rin basta-bastang namamatay ng mano-mano lang.

Those monters are a natural enemy of the Lux Bloodline and the Terrashaws. Pero ang mas nagpalala sa sitwasyon noon ay ang mga Dark Sorcerers na nagpahirap sa naging laban.

Dahil hindi napaghandaan, delubyo ang nangyari sa buong bayan. Ang tangi na lang nilang magagawa ay ang bigyan ng marangal na libing ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay.

Nakahilera na ang mga bangkay na susunugin sa sagradong White Flames habang nasa gilid naman ang mga kamag-anak na nag-aalay ng dasal. Pinamunuan ni Chief Clive ang pagsunog sa mga bangkay habang nasa tabi niya si Prinsesa Yana na nag-aalay rin ng mga personal na dasal.

Tahimik lang ang Prinsesa, pinipigilan ang pag-iyak dahil sa labis na ang pamumugto ng kanyang mga mata.


* * *


Samantala, labis din ang pighati ng Garden Gnome na si Vander dahil hindi na natagpuan pa ang katawan ng Master niya. Sinubukan pang hanapin ang katawan ni Brylle sa No-Magic Zone ngunit dahil sa nakaambang panganib ay itinigil rin ito.

Matapos ang libing ng mga Terrashaw, nagpasyang umalis si Vander ng walang paalam at nagtungo sa gubat.

Habang ngumangawa at sinisisi ni Vander ang sarili niya, nakasunod pala ang isang kaibigan na tanging makakaintindi sa pakiramdam ng isang Elemental Guardian.

"Sabi ko na nga ba, nandito ka," nag-aalalang sabi ni Lala.

"Gusto kong mapag-isa! Iwan mo ako!"

"Naiintindihan kita, Vander."

"Hindi, hindi, hindi! Hindi mo naiintindihan ang pakiramdam ko na mawalan ng Master kasi hindi ka pa naman nakakaranas na mamatayan ng Master!" sinigawan ni Vander si Lala saka ito tumakbo palayo. "Wag mo na akong sundan!"

Pero sadyang makulit si Lala at sinundan pa rin nito si Vander. "Susundan kita!"

"Wag mo akong sundan sabi!"

"Susundan pa rin kita!"

Dahil hindi na nakatiis pa si Vander, nagpalabas na siya ng mga ugat at pinuluputan nito si Lala. Nagsisigaw ang babaeng Garden Gnome dahil hindi na siya makagalaw sa pagkakatali sa kanya.

"Wag mo na akong susundan!" Huling sigaw ni Vander bago ito naglaho.

Ngunit hindi basta-bastang susuko si Lala. "Naamoy kita kaya masusundan pa rin kita!"

Inabot siya ng halos tatlong minuto bago siya nakalaya sa ugat at ngayon ay galit na siya. Galit na galit na galit, pero may kasama pa ring awa para kay Vander.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon