Wizard's Tale 3: Chapter 7

114K 3K 830
                                    


(Alyanna POV)


Handa na kaming patunayan na si Kaleel ay si Brylle. The best itong plano namin dahil hindi lang dalawang utak namin ni Vander ang ginamit para buuin ito. At kung mabansagan man akong Princess Pervert makita lang ang likod ni Kaleel, tatanggapin ko! Konting lunok lang naman ng dignidad 'yan eh.

Nakita kong magkausap na sina Lolo Lorcan at Kaleel. Kitang-kita ko sa mga mata ni Lolo ang paniniwalang ang batang Zaffiro na nga ang kaharap niya. Bukod kasi kay Vander, isa rin si Lolo sa lubos na nakakakilala kay Brylle. Nasubaybayan niya ang paglaki nito, naging apprentice pa at tumayong ama-amahan nang mamatay ang mga magulang nito.

Dahil sa mga nabanggit ko, si Lolo Lorcan ang unang accomplice namin.

"Lolo Lorcan! Kaleel!" Patakbo akong lumapit sa kanila. "Nandito lang pala kayo! Kanina ko pa kayo hinahanap."

"Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo, Prinsesa?" Naks naman si Lolo, in character agad.

"Nag-experiment po ako gamit ang Blutberry para gumawa ng sopas. Gusto kong ipatikim muna sa inyo bago ko ihain kina King Hollace at Queen Alisia." Pagkatapos ay tumingin ako kay Kaleel. "Sumali ka na rin sa tikiman, Kaleel. Mas maraming taste testers, mas okay!"

"Wala pong problema."

*clap* *clap*

Pumalakpak lang ako at dumating na ang dalawang chambermaids bitbit 'yung malaking palayok na pinaglutuan ko ng Blutberry soup. May isa pang dumating na siya namang may dala ng sandok, mga mangkok at kutsara.

"Talagang pinadala niyo po rito?" pagtataka ni Kaleel.

"Ayaw ko na kayong pahirapan papunta dun sa kusina."

Naglagay na ako ng sopas sa mga mangkok. "Wag kayong mag-alala sa kulay nito, mukha lang siyang dugo dahil nga Blutberry ang ginamit ko. Heto po ang sa'yo, Lolo Lorcan. At ito naman ang sa'yo, Kaleel!"

Napatingin si Kaleel sa mangkok niya. "Prinsesa, akala ko po ba tikim lang? Bakit po punong-puno 'yung akin?"

"Para kapag nagustuhan mo, tuluy-tuloy ka nang makakain!" palusot ko sabay ngiti nang inosente. Ayon kasi sa plano, kailangan talagang nag-uumapaw 'yung mangkok na ibibigay ko kay Kaleel para... "Ay letchong Pertyton!"

Kunwari ay natapilok ako at maitatapon ko 'yung madugong sopas sa damit niya.

"Hala sorry! Hindi ko sinasadya!" Wohoho! I'm so great!

"Ayos lang po, nakailag ako."

Napasimangot ako bigla. Putek! Tiningnan ko ang damit niya at ni hindi man lang nga natalsikan ng sopas!

"Hehehe...buti naman! Ikukuha na lang uli kita ah." Kainis ah! Sablay ang first try pero never say die! Ipinaghain ko uli siya ng sopas at pagkaharap ko, kunwari'y natapilok uli ako. "Ay sorry!"

Yes! Yes! Sapul na talaga! Sapul na sapul! Sapul si...

"Hwaaah! Lolo Lorcan!" Akala ko si Kaleel na 'yung natapunan, si Lolo Lorcan pala! "Sorry po Lolo..." sabi ko sabay bulong. "Bakit po kasi humarang kayo?"

Pinandilatan naman ako ni Lolo. Oo na, ang fail ko!

"Ginoong Lorcan, ang dumi na po ng damit niyo."

"Ayos lang...ayos lang ako." Pagkatapos ay pilit na ngumiti si Lolo. Alam kong yari ako sa kanya mamaya. "Magpapalit lang muna ako ng damit." At nauna na siyang umalis.

"Sige na Kaleel, ikaw na lang ang tumikim."

At titikman na nga sana niya 'yung sopas kaso napurnada 'yun dahil nakaramdam kami ng kakaiba.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon