Wizard's Tale 3: Chapter 6

121K 3.3K 709
                                    


(Alyanna POV)


Nasa gitna kami ng pagpupulong kasama ang lahat ng matataas na opisyal sa kaharian. Naka-high alert pa rin ang palasyo kahit tapos na ang laban. Pinag-uusapan ngayon kung paano nagtagumpay ang mga Hollowick na pasukin kami.

Tulad ng ipinangangamba namin noon, alam na ng mga kalaban namin ang secret codes sa Luxurian Towers kaya nakapasok si Night Hollowick na siyang pumatay sa taga-bantay na si Ferreus upang mawalan na ng shielding powers ang Twin Walls.

At 'yung pagdalaw niya sa loob ng kwarto ko, 'yun ang labis na ikinatakot ng lahat. Lalo pa noong malaman nilang nagawan niyang pasukin ang panaginip ko. "Hindi na lang sa Dark Sorcery umaasa ang mga kalaban natin, gumagamit na rin sila ng iba't ibang paraan para atakihin tayo."

Katahimikan ang bumalot sa buong silid. Dahil sa naging masyadong kampante at pabaya ang lahat, malaking pinsala ang naiwan.

"Let this be a warning, another war is coming." Napailing ako nang maalala ko ang mga katagang iyon mula kay Night. Hindi ko na hahayaang mangyari 'yun. Sisiguraduhin kong malalaman at mapaghahandaan na namin kung aatake man sila sa susunod.

Pagkatapos ng pagpupulong, pinayagan na nila kaming makapagpahinga. Subalit tila hindi 'yun ang gusto kong gawin ngayon. Sabihin na nating sa kabila ng lahat ng nangyari, parang usok lang din na nawala ang pagod at stress na pinagdaanan ko.

At 'yun ay dahil sa taong nagligtas sa akin na kamukha ni Brylle—si Kaleel.

Isa raw siyang merchant mula sa maliit na bayan na tinatawag na Hidden Zoan Village. Matatagpuan iyon sa lower plains ng Southern Uldovia kaya hindi ito kilala ng marami. At kaya nga raw HIDDEN Zoan ay dahil nakatago.

Karaniwang nagbebenta at nakikipag-trade ng mga sandata si Kaleel. At dahil 'yun ang madalas niyang hawak, naging magaling siya sa pakikipaglaban.

Ayon kay Headmaster Diazo na kumilatis sa kanya, walang kahina-hinala kay Kaleel. Nagkataon lang talaga na napadaan siya sa lugar kung saan nagaganap ang kaguluhan. Nagkataon na iniligtas niya ang buhay ko. Nagkataon rin na kamukhang-kamukha niya si Brylle.

"Paniguradong aabutin ng ilang taon bago ma-reconstruct ng mga Terrashaw ang Twin Walls," sabi ni Rouel na kasabay kong umalis sa silid kanina. "Anyway, you really should get some rest now."

Kahit si Rouel ang kasama ko ngayon, si Kaleel pa rin ang naiisip ko. Imposible naman kasing nagkataon lang ang lahat. Bakit sila magkamukha? Hindi kaya nawawalang kakambal ni Brylle si Kaleel? Hindi eh! Sigurado ako at ramdam ko sa puso ko na si Kaleel ay si Brylle! Siya si Brylle!

"Nakikinig ka ba, Yana?"

"Ano 'yun, Brylle?"

"Brylle?"

Muli akong napatingin sa kausap ko. "Ay Rouel pala! Sorry...tinawag mo kasi akong Yana. Tinawag mo nga ba talaga akong Yana? Wala akong narinig na Princess."

"You're thinking about the merchant from the Hidden Zoan?"

"Si Kaleel..."

"Na kamukha ni Brylle Zaffiro." Natigilan ako sa sinabi ng Prinsipe. Grabe, walang preno! Super straight to the point talaga! "He looks like him, but he's not Brylle Zaffiro. 'Wag kang masyadong umasa."

Inirapan ko siya. Medyo nakaka-hurt kasi.

"Alam mo, tulad ng sabi ko kanina, kailangan mo nang magpahinga. Tingnan mo 'yung mga mata mo..." Iniangat niya 'yung kamay niya para sana hawakan ang mukha ko pero parehong naagaw ang atensyon namin dahil may isang matinis, nakakabingi at pamilyar na tinig na nagdudulot ng kaguluhan sa baba.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon