Wizard's Tale 3: Chapter 25

84.4K 2.8K 606
                                    


(Alyanna POV)


Dalawang araw bago ang Second Dark War.

Lumabas ako ng palasyo para kamustahin ang lahat sa kani-kanilang gawain. Combat-ready na ang mga Luxurian castle-guards and knights, at preparado na rin ang mga armor at weapons na gagamitin galing sa Glaciever.

Patapos na rin ang pansamantalang defense wall na pinagtulung-tulungang gawin ng mga Terrashaw at Nature Spirits na tinawag nina Vander at Lala. Dahil dyan kaya papetiks-petiks na lang ang dalawang Gnome at pinagkakatuwaan nila ang Terremotus na si Jango.

"Jango, Jango, Jango, sabihin mo nga Auserwalt, Aersseys, Terrashaw, Glaciever, Flemwall!"

"Jagerwar, Jergings, Jerrajoh, Gajiger, Jenggor!"

"Hwahahahahaha!" Galak na galak sina Vander at Lala. Paano, nauuto nila ang isang higante. "Jango, paano naman ang Otherworld?"

"Jagerwor!"

"White Light Clan?"

"Jang Gang Gang!"

"Garden Gnome?"

"Jargen Jong!"

"Peryton?"

"Jam-jam!"

Nagtaka sila dahil medyo malayo yata yung 'Jam-Jam' sa Peryton. Maski ako ay nagtaka dahil ang naiisip kong dapat niyang sabihin ay 'Jerigong.'

Muling inulit ni Vander ang salitang gusto niyang ipa-translate. "Peryton. Pe-Ry-Ton!"

Ngunit tulad ng dati, ang sabi ni Jango ay, "Jam-jam!"

Naging malinaw lang ang lahat nang saktong makakita ng lumilipad na Peryton si Jango. Nag-twinkle ang mga mata nito with matching paglalaway pa. Para lang itong nagugutom na higante habang nakatingin sa parrot-deer.

Sabay sina Vander at Lala na napasabing, "Aha! Peryton—Yum-yum!"

"Je! Jam-jam!"

Natawa rin ako sa kinatatayuan ko. Hindi lang pala ako ang nag-iimagine na mukhang masarap talaga ang karne ng isang Peryton. Gusto ko na sana silang samahan para mahawaan din ako ng good vibes, ngunit bigla akong nilapitan ni Lolo Lorcan.

"Mahal na Prinsesa, maari ba kitang ba kitang makausap?"

"Oo naman po."

May inilabas na isang parihabang kahon si Lolo Lorcan mula sa kanyang bag at iniabot ito sa akin. "Para sa batang Zaffiro 'yan. Ibigay mo sa kanya. Galing 'yan sa kanyang ama."

"Ang dating Oracle Brae Zaffiro po?"

"Bago namatay noon ang mag-asawang Brae at Elle, nakiusap sila sa akin na iabot ko ang bagay na 'yan sa Lux Princess upang ikaw mismo ang mag-abot sa kanilang anak na si Brylle."

"Pero bakit ako po?"

"Ang sabi nila sa akin, kayong dalawa rin mismo ng batang Zaffiro ang aalam."

Napatitig akong mabuti dun sa kahon. "Sige po, Lolo. Ibibigay ko po ito agad sa kanya."


* * *


Nang hanapin ko na si Brylle, natagpuan ko siya sa isa sa mga silid dito sa palasyo. Ngunit naabutan ko siyang kasama si Rouel at hawak nila ang kwelyo ng isa't isa—parehong galit ang mga expression ng mukha nila. Nang makita nila ako, syempre agad nilang binitawan ang isa't isa na para bang walang nangyari.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon