Wizard's Tale 1: Chapter 30

172K 4.8K 1.5K
                                    


(Brylle POV)


"Master, Master, Master! Ito na po yung hinihingi niyo!"

Sabado na ngayon. Ito ang araw ipinagpaalam ni Dustin si Yana. Anong oras kaya dadating ang lalaking yun? Tumingin ako sa orasan at maaga pa naman.

"Master Brylle! Nakikinig ba kayo?"

"Ahh—oo. Amin na yung libro."

"Libro? Ano pong libro? Hindi po libro! Di ba sabi niyo itong potion!"

"Potion ba pinakuha ko?" Ano ba naman yan! Pati ako naguguluhan. "Sige amin na yang scroll."

"Master Brylle, potion po! Potion! Potion! Potion!"

"Fine! Potion nga." At hinablot ko na lang yung potion sa kanya. "Teka, ano bang gagawin ko sa potion at pinakuha ko 'to sayo?"

"Malay ko sa inyo, Master. Hay naku, naku, naku naman! Ang lutang niyo ngayon. May problema ba kayo?"

"Wala naman." At bakit ko naman poproblemahin ang tungkol sa bagay na 'to? "Ibalik mo na nga lang 'tong potion. Hindi ko na maalala kung anong paggagamitan ko dyan."

Napailing na lang si Vander na sinunod ang utos ko.


* * *


Hanggang sa oras ng tanghalian, hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi ako mapakali. Naguguluhan ako kung bakit ganito ang nangyayari saakin.

"Yum, yum, yum! Salamat dito sa hinanda mo, Yana. Tara, sumabay ka nang kumain."

"Sige, tinitimpla ko lang 'tong juice ng Master mo." Masayang-masaya naman siya ngayon! Excited kaya siya sa dinner date nila mamaya? "Ito na yung juice mo, Brylle."

"Ayoko nyan. Tubig lang ang gusto ko."

"Kung ayaw mo, eh di saakin na lang." Saka siya naupo sa pwesto niya, sa may right side ko at katapat niya si Vander.

Tahimik na kaming kumain. Pero hindi pa nga kami nakakarami ng nguya, bigla namang may nag-doorbell. "Sino yun?" Nagkatinginan naman kami ni Yana.

Kahit hindi ko nakikita, ramdam ko na agad kung sino yun. "Si Dustin."

"Si Prince Dustin? Ano ka ba, mamaya pa niya ako susunduin!"

"Siya nga! Makikipagtalo ka pa! Puntahan mo kaya sa gate." Hindi na natapos pa ni Yana ang pagkain niya at pumunta na nga siya sa may gate para salubungin si Dustin.

"Master, sino yung Dustin?"

"Prinsipe ni Yana."

"Huwat?" Napatayo sa kinauupuan niya si Vander. Hindi pa nakuntento, dun pa mismo sa lamesa siya tumayo. "Paano ka na Master?"

"Anong paano ako?"

"Hala, hala, hala! Hindi pwede 'to, Master Brylle! Alam ko na, tatakutin ko siya! Gagamitin ko uli yung malaking boses ko para bugawin ang mortal na yun!"

"Hindi mo kailangang gawin yun. Hindi ka niya pwedeng makita. Make yourself invisible, Vander."

Sinubukan ko na lang ituloy ang pagkain ko pero wala na akong gana. Tumigil na ako sa pagkain at pumunta na lang sa sala. Doon, nakita ko nang kasama ni Yana si Dustin.

"Magandang araw sayo, Brylle. It took me so long bago ko narating itong mansyon mo. This is a very nice place."

"Alam mo ba Prince Dustin, ako ang nag-ayos nitong lugar." At talagang pinagyabang pa niya.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon