Wizard's Tale 2: Chapter 26

120K 2.9K 463
                                    


(Prince Rouel POV)


Ngumingiti na uli ang Prinsesa. Masigla na siya, kumakain ng maayos at higit sa lahat, tumigil na siya sa pag-iyak. Simula nang gamitan ko siya ng spell na 'yun, masaya na siya sa paggising niya.

And she's been dreaming about Brylle Zaffiro ever since that night. She's been trying to live inside that dream for almost two months now.

"Alam niyo ba, ipinasyal niya uli ako sa secret hideout nila ni Vander! Mas gumanda pa nga yung tree house kasi tumulong ako sa pagre-renovate nun!"

She's back with her normal bright and bubbly personality. Full of enthusiasm while talking about how wonderful her day went with Brylle. Masaya niyang ipinagkukwento sa kung kani-kanino ang mga lakad niya kasama ang Wizard na 'yun. At wala namang magawa ang mga kausap niya kundi ang ngumiti at intindihin siya.

"Naku, ang saya-saya naman po pala nun, mahal na Prinsesa." Halatang napipilitang sagot ni Kerria. "Di ba, Lavender?"

"O—oo nga po. Ang saya saya saya niyo po siguro ni Brylle dun."

"Oo naman! At mamayang gabi, may date uli kami! Hindi na nga ako makapaghintay na makasama siya!"

They don't want her to be sad again lalo na kapag may nagsabi na sa panaginip lang naman ang lahat ng 'yun. Walang may gusto na bumalik uli sa dati ang Prinsesa, yung iyak nang iyak at pinahihirapan ang sarili niya.

But it hurts to see that she's fooling herself. And it hurts more because it was my fault.

"Hanggang kailan kaya siya ganyan?" Malungkot na wika ni Vander sa gilid ko. "Hanggang kailan nga kaya?"

"Walang araw na hindi niya bukam-bibig ang mga pangyayaring hindi naman talaga nangyari," sabi naman ni Sylfer.

Magkasama kaming tatlo na pinapanood ang Prinsesa rito sa malayo. Tatlo rin kaming nagi-guilty sa ginawa namin. Nagkatinginan kami at sabay-sabay na lang na napabuntong hininga.

And while feeling hopeless, hindi na namin namalayan na nasa likod na pala namin si Master Lorcan. "Bakit ganyan ang mga itsura niyo? Anong problema?"

Sa umpisa ay nag-alangan kaming magsalita, pero wala rin naman nang mangyayari kung itatago namin ang totoo sa kanya.

"It's about the Princess, Master Lorcan."

"She's fine now, isn't she?"

"Everything is just a lie," sagot ko, saka ako napasandal sa pader. "Every night, we cast a spell on her so she can dream about Brylle Zaffiro. Now she's literally trying to live inside her dream. Ni-hindi na siya pumapayag na matulog hangga't hindi niya nasisiguro na makakasama niya ang Wizard na 'yun."

Nakayukong humarap naman ang Garden Gnome na si Vander. "At ang totoo po niyan, original idea ko po 'yun kaya mas malaking malaking malaki po ang kasalanan ko."

"At ikaw naman, Sylfer? Ano ang partisipasyon mo rito?"

"Inako na po nilang dalawa ang kasalanan."

If looks could kill, patay na siguro si Sylfer dahil sa tingin namin sa kanya ni Vander. He's really the lowest of the lowest! Nakuha pang maghugas-kamay!

"Kay Sylfer ko po unang unang unang sinabi ang tungkol sa spell. Hindi malalaman 'yun ni Prince Rouel kung hindi niya rin sinabi!"

"Fine! Kasalanan naming tatlo." At parang napipilitan pa siya! Isa naman talaga siya sa may kagagawan! He's the one who told me about the spell.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon