Wizard's Tale 2: Chapter 8

150K 3.9K 759
                                    


(Brylle POV)


Laking gulat ng lahat nang makita nilang buhat ko ang Lux Princess na ngayon ay baby na. Hindi makapaniwala ang Hari pero naiiba ang reaksyon ng Reyna. Sabik si Queen Alisia na mabuhat si baby Yana.

Samantala, ginawan na namin ng paraan nina Master Lorcan na maibalik sa dati ang lahat ng nabiktima ni Yana. Hindi kami nabigo maliban lang sa isa.

"Hindi kayang tablan ng mahika namin ang Prinsesa dahil siya mismo ang may gawa ng spell sa sarili niya." Paliwanag ni Master. "But in a week or less, the spell's effect will eventually wear off. Magbabalik din po sa dati ang Prinsesa."

Wala nang nagawa ang Hari. Napatingin na lang ito sa Reyna na mukhang wala namang pakialam sa usapan nila. "My Queen, narinig mo ba ang sinabi ni Master Lorcan? Hindi pa talaga maibabalik sa normal ang ating Prinsesa."

The Queen just smiled at her King, "I guess it can't be helped."

"You're not worried?"

"Not at all. Babalik pa rin naman siya sa dati." Saka tumayo ang Reyna na tuwang-tuwa lang sa kanyang anak. "For now, I'll just enjoy the situation. I'll take good care of our baby."

And that saved us from the trouble. Halatang pabor sa Reyna ang nangyari sa anak niya. Walang napagalitan sa nangyari at higit sa lahat, the whole palace gets to see the different side of the King and Queen.

Nasabi sa akin ni Kerria na ngayon lang talaga nila nakita ang Hari at Reyna na sobrang saya. Parang may kulang raw kasi sa pagiging magulang nila noong nawala ang anak nila.

But now that Yana has turned into a baby again, they both took it as a chance to experience becoming a parent to her. Nakakatuwa talagang tingnan!

At sa oras na bumalik na si Yana sa dati at malaman niya ang nangyaring ito, siguradong mas matutuwa siya.


* * *


Ilang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik sa dati si Yana. Mukhang aabutin nga ng isang linggo bago siya maging normal uli.

At dahil sa sitwasyon niya ngayon, hanggang tingin lang talaga kami sa kanya. Ayaw kasi siyang ipahiram ng Hari at Reyna at hindi namin sila masisisisi sa pananabik nila na alagaan ang anak nila.

Pero sa totoo lang, gusto ko na talagang mabuhat uli si Yana. Gusto kong pisilin ang pisngi niya. Gusto ko siyang halikan pero walang halong malisya 'yan! No offense to Vander but baby Yana is the cutest thing ever.

Mabuti na lang at dumating pa rin ang pagkakataon namin na maalagaan si Yana.

Lumapit si Geminus sa Hari at Reyna at pinaalalahanan sila. "Your Majesties, today is your scheduled seasonal ritual. Kakailanganin niyo na pong maghanda para sa inyong mga dasal at pasasalamat sa harap ng altar."

Hindi pwedeng isama si Yana sa altar dahil baka magsimula itong umiyak at maistorbo pa ang ritwal. At dahil sa tungkulin na ito, wala nang choice ang Hari at Reyna kundi ipagkatiwala si Yana sa pangangalaga ng personal servant niya na si Kerria. At long last, nakalapit na kami sa kanya

Inilabas namin si baby Yana para hindi siya mainip sa loob ng palasyo. Mamayang gabi pa kasi ang balik ng Hari at Reyna. Pero sandali pa lang na nalalayo sa kanya ang mga magulang niya, sinusumpong na ito agad!

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon