Wizard's Tale 3: Chapter 16

88.2K 3.1K 335
                                    


(Alyanna POV)


Nauna ko nang nasabi sa ama kong si King Hollace at kay Headmaster Diazo ang tungkol sa binabalak na digmaan ng mga Hollowick. Malaking paghahanda ang kailangang gawin kaya mas minamadali na ang pagdating ng mga leaders ng Aersseys, Terrashaw at Glaciever.

Hinihintay ko rin talaga na makumpleto ang lahat ng leaders ng Lux dahil bukod sa digmaan, saka ko pa lang sasabihin sa kanila 'yung pag-aya sa akin ng kasal ni Night at 'yung tungkol sa mga natitira pang traydor na kasama pa rin namin hanggang ngayon.

Mahirap na kasing magtiwala sa panahon ngayon. Hindi ko alam kung sino ang talagang kakampi o ang mga nagbabalat-kayong kalaban.

"Hello Princess Love!" Bigla akong ginulat ng taong kilala niyo na kung sino. Kasabay ng pagbati niya sa akin ang walang kupas niyang kindat. "Are you waiting for someone?"

"Hinihintay ko ang mga leaders. Hindi kaya na-traffic ang mga 'yun?"

"Traffic?"

Hindi nga pala uso ang traffic dito. "Basta! Wag mo na lang akong kulitin, Sylfer."

"Hindi naman kita kinukulit, Princess Love. I just want to ask if you wanna get married to me now."

Siningkitan ko nga ng mata si Sylfer. Hindi raw niya ako kinukulit pero nag-propose na naman! "No, Sylfer. No."

"No? How about getting married with Prince Dude?"

Halos nasamid ako sa biglaan niyang sinabi. "Ano bang klaseng tanong 'yan? May masamang hangin ka na namang nilanghap 'no? Umamin ka, nag-adik ka na naman siguro sa Utot Spell mo!"

Humalakhak sandali si Sylfer tapos after three seconds, nag-shift siya into serious mode. "Pwedeng pakisagot na lang, Princess Love? 'Yung proposal ko, ang bilis mong nag-NO. Don't tell me na YES ang sagot mo kay Prince Dude?"

"Ewan ko sayo! Kaibigan lang ang tingin ko kay Rouel!"

"Then I'll accept that as a NO. Eh 'yung prinsipe mo dun sa Mortal World? What's his name again?"

"Si Dustin? Paano mo nalaman ang tungkol kay Dustin?"

"Kay bulinggit."

"Katulad namin ni Rouel, kaibigan ko na lang din si Dustin." Tapos hinawi ko na si Sylfer. "Bahala ka na nga dyan."

Aalis na sana ako pero humawak lang sa braso ko si Sylfer. Mas nag-panic ako nang buhatin niya ako at ipinatong sa balikat niya na parang sako lang ng bigas. "Oy Sylfer! Ano na namang kalokohan 'to?! Ibaba mo ako!"

"Pasensya na Princess Love, napag-utusan lang."

Nagwawala na ako pero hindi pa rin ako ibinaba ni Sylfer. Sinubukan ko siyang gamitan ng spell pero nagawa niya itong tapatan. Mabuti na lang at dumating si Kerria.

"Hoy Sylfer! Anong ginagawa mo?!"

"Hwaaah! Kerria tulungan mo ako!"

"Dahan-dahan naman sa pag-buhat sa Prinsesa!" sabi niya sabay batok kay Sylfer. Saka ako hinarap ni Kerria. "Pasensya na kayo, Prinsesa. Kailangan lang naming gawin 'to."

"Kasabwat ka niya? Ano bang nangyayari? Anong balak niyo sa akin?" Kung anu-ano nang naiisip ko pero, "Nahihilo na ako sa pwesto ko, Sylfer! Nasusuka ako..."

"Kerria dear, pakainin mo na nga ng Eismint si Princess Love."

Sinunod ni Kerria si Sylfer at sinubuan ako nito ng Eismint. Nang huminahon na ako, piniringan na niya ang mga mata ko. Habang ginagawa nila 'yun, may narinig kaming bagong boses.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon