Wizard's Tale 3: Chapter 26

91.7K 2.9K 354
                                    


(Alyanna POV)


Nakatayo na sa isang circle si Brylle para simulan ang Claiming itual. Hawak niya ang wand ng kanyang ama at bago siya nagsimula, tiningnan niya muna ako bilang pampalakas-loob. Ilang sandali pa, sinimulan na niyang banggitin ang chant para sa ritwal.


"I summon thee, magic to the wand I see

Charge with thy energy, for a bond of purity.

Let it be my charm, protect me from harm

Let this all be done, our magic be one."


Tulad ng reaksyon ko noong first time kong makita si Brylle na nagpe-perform ng magic, nakaka-mesmerize pa rin hanggang ngayon. At alam kong nagbubunga na ang matinding konsentrasyon niya nang umangat na mula sa kanyang palad ang wand at magsabog ito ng matinding liwanag.

Ngunit kasabay ng liwanag na 'yun, nagulat din kami dahil unti-unting nagbago ang paligid. Biglang gumalaw sa kakaibang direksyon ang wand na para bang may kumu-kontrol nito at saka nagpakita ng mga salita, imahe at mga pangyayari—ang propesiya ng kanyang ama.


"Let time goes beyond, and heal the heart's wound.

Make a whole new bond, be another way round."


Ipinakita roon 'yung nangyari sa akin noong nakaraang dalawang taon. Noong nakamove-on ako sa pagkawala ni Brylle at mas napalapit sa mga taong tumulong sa akin.


"When no longer weak, then discover what you seek.

When no longer meek, power will be at its peak."


At sa pagmove-on ko, naging mas malakas nga ako. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa at naipagtanggol ko ang aking sarili at mga mamamayan gamit ang kapangyarihang taglay ko.


"Go deep down the hallow, shadows will then follow.

The shallow will wallow, and in defeat they will swallow."


Nagpakita naman ito ng mga eksena ng pagbabalik ni Brylle bilang Kaleel. Noong dinala niya ako sa Atreria, doon ko nadiskubre ang pagbabalat-kayo ni Myera, at nabunyag rin na may natitira pa palang mga taksil sa aming angkan.

Ngunit kahit gaano pa kadelikado ang naging sitwasyon ko noon, nanaig ang kabutihan. Iniligtas ko si Brylle at nailigtas niya rin ako. Natalo namin si Night Hollowick noong mga oras na 'yun.


"A war maybe on its way, it's a price that others must pay.

But blessed be those who will stay for they'll have the final say."


Ang nagbabadyang Second Dark War ay hindi na mapipigilan. Dito na namin nalaman na ang Headmaster at ilang Flemwall ang nasa likod ng mga pagtataksil.

Ngunit laking luwag ng paghinga ko na kahit may mga maagang nawala na tulad ni Milka at ng Lux mismo, may mga paraan pa para malampasan namin ang lahat ng ito. Tuluy-tuloy rin ang buhos ng mga tulong na nagpapatunayan na hindi namin ito haharapin ng mag-isa.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon