Some Days in Life (Compilation of One Shots)

3.1K 53 11
                                    

First One Shot :

"He ignores you, but you still like him. He does nothing, but you fall for him more. You miss him even though you know he doesn't even think of you. You cry but he doesn't know those tears are because of him. You love, but he doesn't even know your name."

---

Nakita mo s'yang papasok sa gate ng school.

Parang wala s'yang pakialam sa mundo at hindi ka man lang n'ya binati; may hinahalungkat kasi s'ya sa bagpack na nakasukbit sa balikat n'ya. Pinagmasdan mo ang likod n'ya habang unti-unti itong lumalayo. 

Nang sa wakas ay kasing-liit na s'ya ng langgam sa paningin mo, napangiti ka. Sulit ang paghihintay mo ng pagpasok n'ya sa gate, kahit na hindi naman kayo nagpansinan.

Ang mahalaga, nakita mo na naman s'ya.

---

May quiz at naghahagilapan kayong magkakaklase ng one fourth, kasi naubusan ang kadalasang sponsor n'yo. Bilang na lang ang nahihingi nyong mga ika nga eh, "leech", surprise quiz kasi kaya walang nakapaghanda.

Lahat na ata ng kakilala mo, nakalabit mo na pero wala ni isa sa kanila ang mayroong one fourth. Gusto mo nang ngumawa, kaso nakatingin sa iyo ang teacher n'yo, terror pa naman, kaya nagpatuloy ka sa paghingi.

Kaya lang, biglang dumaan ang klase n'ya at nasilip mo s'ya mula sa pinto. 

Ganun pa rin ang lagay n'ya, kaso nakatingin naman s'ya sa harap n'ya, walang emosyon ang mga mata. Pero wala ka nang pakialam dun. 

Dug. Dug.

Ayan na naman ang puso mo, parang nakuryente. Parang tumigil ang mundo, napatitig ka lang sa kanya. Likod na lang n'ya ang tinititigan mo nang mapansin ka ng teacher mo.

Napagalitan ka, pero hindi mo na lang pinansin. Lutang ka kasi kakaisip sa kanya eh.

---

Papunta kayo sa laboratory ng klase mo. Nasa likod mo ang best friend mo, at halatang atat na atat ka dahil madadaanan ang classroom nila.

Bulong ka ng bulong ng kung anu-ano sa best friend mo, kasi medyo kinakabahan ka rin. Naintindihan naman n'ya, kaya patawa-tawa at tango-tango lang s'ya sa mga kagagahan mo.

Sa wakas, eto na ang pinakahihintay mo. Ang two-seconds na pagdaan mo sa room nila.

Binagalan mo ang lakad, nang ma-extend ng kahit two seconds pa. Nasilip mo s'ya na nakaupo sa silya n'ya, mukhang bored na bored. Pakamot-kamot pa s'ya ng ulo.

Nang dumaan ang klase mo, napatingin s'ya. 

At laking tuwa mo naman ng magkatama ang mga mata n'yo. 

Dug. Dug.

Napangiti ka na naman. Hindi s'ya ngumiti pabalik, pero nakatitig pa rin s'ya sa iyo. O sa direksyon mo. Hindi mo mapagtanto, pero ang importante, kahit papaano, nagawi sa'yo ang mga mata n'ya.

Kahit isang segundo, napansin ka ng crush mo.

---

Recess na, at nag-uunahan kayo sa pagbaba ng hagdan. Mahaba-haba rin kasi ang inaabot ng mga pila sa canteen, kaya kailangang mabilis kang kumilos. Nagmamadali kang bumaba.

Wala kang kasabay kumain kasi may gagawin pa raw ang best friend mo. Naiintindihan mo naman s'ya eh, napakarami kasi n'yang activities.

Nilagay mo ang kamay mo sa bulsa mo ... at napansin mong kulang ang perang nasalat mo. Puro barya lang kasi ang nakapa mo eh, pero sigurado kang meron kang perang papel. Singkwenta pa nga eh.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon