One Shot # 8 - Chinito

519 24 5
                                    

One Shot # 8:

Napapansin mo ba, kaya ang tulad ko? Kahit nasa sulok lang, ng iyong mga mata ...

***

Napaisip ka na naman.

"Nakikita pa kaya n'ya ang kausap n'ya?"

Sobrang singkit kasi eh, pero wala namang lahing Chinese. Wala lang. Sadyang maliit lang talaga ang mga mata n'ya.

Kukuya-kuyakoy s'ya habang nakaupo sa pasimano, nakatingin ng diretso sa kausap na kaibigan. Na lalaki. Ewan mo ba, parang natutuwa ka at lalaki lang ang kausap n'ya.

Nagtawanan na naman sila at parang nawala na ang mata ng mokong. Napangiti ka rin, 'di namamalayang namumula na rin ang mukha mo. Wala eh, crush mo. Ang lakas kaya ng hatak ng mga chinito sa'yo.

Binulong mo ang pangalan n'ya, nakangiti pa rin. Paano kaya kung ikaw na ang kausap n'ya? Maniningkit din kaya ang mata n'ya sa pagtawa? 

***

Nakilala mo s'ya sa isang club ng school n'yo. Sa choir, out of all places.

Isa s'ya sa mga maiingay at gumagawa ng gulo, pero ... 'di mo maalis ang tingin mo sa mata n'ya eh. Parang may nagbuhos ng sandamakmak na charisma sa mata. Oo, ma-charisma na mata ang peg n'ya.

Hindi mo pa naririnig ng malapitan ang boses n'ya habang kumakanta, pero hula mong malalim ito. 

Kasing lalim ng pagtingin mo? Ewan na lang natin.

Basta, ang alam mo lang, habang tinitingnan mo ang likod n'ya, nakangiti ka na naman. Ni hindi mo nga napansin ang best friend mong inaasar ka na eh.

Pasensya naman. Nahatak ng charisma ng mata ni Chinito eh. Ganyan talaga kapag mukhang Chinese pero hindi naman.

Nakapangalumbaba ka lang, tinitingnan ang likod n'ya nang ...

Bigla na lang s'yang lumingon. Nanlaki ang mata mo. Ngumiti si Chinito, labas ngipin, nanliit ang mga mata.

Pero malay mo, iba naman pala 'yung tinitingnan. Baka iba naman pala 'yung nginingitian. Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso mo. Chinito, ba't ka ba ganyan? Buong practice tuloy ng choir, nakangiti ka at halatang positive na positive. Ganyan talaga kapag inspired ni Chinito.

***

Habang naghihintay ka ng sundo mo, nagkaroon ng pulong ang buong barkada ni Chinito. Tawanan ng tawanan ang mga ito habang nagkukwentuhan, nakapabilog ang mga inuupuan. Nakaupo ka lang, tahimik at mag-isa sa gawing kanan ng guardhouse. Sila, nasa gawing kaliwa, nagkakaingay pa rin. Hindi mo tuloy narinig ang isang lalaking tinawag ang pangalan ni Chinito.

"Pre, bakit parang bad trip ka?" tanong nito, nakataas ang kilay. "Natatakot ka ba sa laban natin ng dota mamaya?"

"Hindi 'yun. Tangna, ang dali mo kayang talunin," sagot ni Chinito, 'di mo nakitang nakatingin na pala sa'yo. "Nginitian ko s'ya kanina. Ini-snob ako."

Pagkasabing-pagkasabi n'ya noon, dumako ang mata mo sa kanila. Nagkatinginan na naman kayo. Pero ngayon ... kahit sa tingin mo'y 'di ikaw ang tinitingnan n'ya, ngumiti ka.

Minsan, tingnan mo rin ang mga mata ni Chinito, ha? Kasi, sa sobrang liit ng mga 'yun, baka 'di mo na mamalayang ... ikaw na pala ang tinititigan. Kasi ngayon, nagka-ilangan kayo at ikaw ang unang umiwas ng tingin.

Umiwas din ng tingin si Chinito, nahihiya sa'yo.

Pero nakangiti s'ya, kita ang ngipin n'ya, naniningkit na naman ang maliit n'yang mga mata.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Where stories live. Discover now