One Shot # 4 - Ngiti

759 28 6
                                    

One Shot # 4:

Mapupulang labi at matingkad mong ngiti, umaabot hanggang sa langit.

Note: This is dedicated to pinkishhhh (tama ba 'yung bilang ng "h"? Wahahaha) kasi ... kasi, maganda 'yung mga one shot n'ya saka maganda rin s'ya. X) Ayun eh. Totoo, pramis. Tingnan mo man sa profile n'ya. Halloo! ~ 

---

Nakatitig s'ya sa'yo, pero hindi mo nahahalata.

Masyado ka kasing absorbed sa panonood ng film na pinapakita ng guro n'yo. Wala eh. Kailangan mong kumuha ng notes para hindi bumagsak sa exam n'yo.

Pero s'ya? Mamaya na lang daw ang notes.

Minsan lang kasi n'yang makita ang crush n'ya ng malapitan. 

***

"One." "Two." "Tatlo!" "Okay, sorry po. Three."

Nag-count off kayo sa klase n'yo para sa isang proyekto. Ang magkaka-number ang magkaka-grupo. Napamura ka ng mahina. Three ka kasi. At sa pagkakaalam mo, konti lang kayong gagalaw sa grupong 'yun. Andun kasi ang mga maiingay eh.

Kasama na s'ya dun.

Ang kaninang tuwang-tuwa sa pagmamasid sa'yo mula sa malayo, halos himatayin na ng malamang magka-number kayo. Ganado s'yang lumapit sa grupo mo. At para lubusin na ang pagka-maganda ng araw na 'yun, tinabi n'ya ang upuan n'ya sa'yo.

Akala mo naman, inaasar ka ng loko. Pangiti-ngiti kasi ang lalaki eh.

Tsk. Dapat inalam mo kung bakit good mood s'ya. Kesa sa ginawa mo. Tinampal mo pa sa kamay 'yung tao.

Pero akala mo ba, nainis s'ya sa inasal mo? Hindi ah.

Natuwa pa ang mokong at nagka-holding hands daw kayo.

***

"Eto pera."

"'Kaw gumawa ah?"

"Gandahan mo. Tae, pang-recess ko 'yan pero binigay ko para sa project!"

Abot-langit na ang pagkabad-trip mo. 

Ayan na nga ba ang inaasahan eh. Ikaw lang ang pinapagawa ng project. 'Yung iba? Aba'y, nag-abot lang ng pera, tapos wala ng pakialam. Pinigilan mo ang sarili mo sa pagmumura. Nakakarami ka na kasi eh.

"Kailangan mo ng tulong?"

Napalingon ka at nakaharap ang mukha n'ya. Naasiwa ka naman kasi pagkalapit-lapit ng mukha n'ya sa'yo. 

Hindi mo ba narinig ang puso n'ya nun? Halos lumabas na sa dibdib n'ya eh. Pero hindi mo pa rin nahalata. Wala eh. Kaasaran mo, tapos magkaka-crush sa'yo? Malabo 'yun. Pagputi siguro ng uwak.

"Kung ikaw ang tutulong, 'wag na."

Nabigla s'ya sa sagot mo, pero hindi n'ya pinahalata. Umupo lang s'ya sa tabi mo, tumatawa. Tinatago ang pagkatagos nung simpleng pangungusap mong 'yun. Hinay-hinay lang sa pagsasalita, ha? Hindi lang halata, pero nasasaktan din s'ya.

"Seryoso ako."

"Magbayad ka na lang din, kagaya nila."

"Hindi ako kagaya nila."

Napatingin ka sa kanya noon, at nakita mong seryoso ang mga mata n'ya. Ewan, basta naramdaman mo lang na sinsero s'ya. Napangiti ka.

Parang tumigil ang mundo n'ya. Nginitian mo s'ya.

Pero, wala eh. Magaling s'yang umarte. Hindi ulit n'ya pinahalata. Wala s'yang emosyon habang nakipagkasundo s'ya sa'yo kung kailan n'yo gagawin ang proyekto.

Kahit na halos hingalin na s'ya sa bilis ng tibok ng puso n'ya.

***

"Uy."

"Uy."

Nakangiti mo s'yang nilapitan sa pinagkasunduan n'yong lugar, sa parke malapit sa skwelahan n'yo. Maliit na bag lang ang dala mo, laman ang ilang notebook. S'ya naman ang nagdala ng mga kakailanganing cartolina at kung ano pang kailangan.

Hindi mo napansin, no?

Nung lumingon ka sa mga batang naglalaro sa slide, may binulong s'ya. Crush ka raw n'ya. Kaso, hindi mo narinig eh. Ang ingay kasi nung mga bata. Atsaka, kung marinig mo man, aakalain mong biro. Palagi naman e.

Napakamot na lang s'ya ng ulo habang pinapaikot ang cartolina na parang baton. Bukas na lang siguro? Hindi n'ya alam kung kelan n'ya masasabi.

Pero alam mo ba? Nung lumapit ka sa kanya para kunin ang cartolina dahil nalulukot na, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso n'ya. Medyo nabunggo mo kasi ang kamay n'ya.

Nung sa wakas ay umupo na kayo at nagsimula ka nang magsulat sa cartolina gamit ang pentel, dapat tiningnan mo s'ya kahit minsan. Hindi 'yung tuloy tuloy ka lang sa pagsulat.

Alam mo kung bakit?

Isa, hindi kasi n'ya ginagawa ang sinabi mo. Ni hindi nga binubuklat 'yung reference book na hiniram n'yo sa library eh.

At pangalawa, dapat nakita mo s'yang ngumingiti. Dahil sa'yo. 

***

"Sa iyong ngiti! Ako'y nahuhumaling!"

"Ku, tumigil ka nga. Baka ulanin tayo dito."

Napangisi lang s'ya. Alam n'yang hindi s'ya sanay kumanta, pero dapat sana, nakinig ka man lang.

Para sa'yo kasi 'yung kantang 'yun eh. Para sa'yo at sa ngiti mo.

***

Hinatid ka n'ya sa kanto bago ang bahay mo.

Wala eh. Ayaw n'yang mapaghalataan. Kung alam mo lang, gustung-gusto n'yang samahan ka hanggang sa bahay mo.

Hindi pa rin s'ya umaamin.

Pero sa tuwing nakikita n'ya ang ngiti mo, nahihirapan na s'yang itago ang lahat. 

Hinugot n'ya ang cellphone n'ya mula sa bulsa n'ya at napagdesisyunang i-text ka kung nakauwi ka na. Kaso ... mapaghahalataan din s'ya kung ganun ang itetext n'ya. Tsk, ang hirap talaga, diba?

Nag-vibrate ang cellphone mo habang nakaupo ka sa sala ng bahay n'yo. Akala mo ang sim provider mo lang 'yun, pero s'ya pala.

From: Classmate

:)

Napailing ka lang sa text n'ya. Parang walang kwenta lang sa'yo 'yun. Baka nga group message lang 'yun eh.

Pero kung alam mo lang kung ano ang nasa likod ng simpleng emoticon na 'yun ... mabibigla ka.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Where stories live. Discover now