One Shot # 5 - Si Tanga

638 21 5
                                    

One Shot# 5:

Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo. Lahat naman tayo minsan, nagiging si Tanga.

***

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung minamahal si Manloloko. 'Yung dalawang 'yun, aakalain mong forever na nung umpisa. Palaging magkasama. Kagaya ng ibang magkasintahan, naghahatid-sundo. Sabay kumain, sabay mag-recess, nagbibiruan habang magkasama, magkatext, magkachat, lahat lahat na. Pero noon lang 'yun. Iba kasi si Manloloko eh.

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung kahit anong gawin ni Manloloko, ikinakatuwa n'ya. Simpleng ngiti lang ni Manloloko, tuwang-tuwa na s'ya. Kahit ano, gagawin n'ya, mapasaya lang si Manloloko. Ganun n'yang kamahal ang kasintahan n'ya. Pero iba pala si Manloloko eh.

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung kahit na medyo nanlalamig na si Manloloko, wala pa ring pakialam. S'ya mismo ang lumalapit para kausapin ang kasintahan kahit na ayaw na nitong pansinin s'ya. Kahit na palaging may pagkukulang si Manloloko, sinisisi n'ya sa sarili n'ya iyun. Baka raw kasi kulang lang ang binibigay n'ya. Hindi kasi n'ya alam na si Manloloko pala ang may problema.

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung humihingi ng paumanhin kahit na si Manloloko ang nagkasala. S'ya 'yung pilit na inaalam kung bakit malungkot o masama ang pakiramdam ni Manloloko, kahit na iwas na nang iwas si Manloloko sa kanya. Ano pa bang magagawa n'ya? Mahal n'ya si Manloloko eh. Si Manloloko? Ewan lang natin. Baka infatuation lang. Baka hindi naman n'ya talaga minahal si Tanga.

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung kahit na nakipaghiwalay na sa kanya si Manloloko, iniiyakan pa rin n'ya gabi-gabi. Halos malabhan na n'ya 'yung punda ng mga unan n'ya dahil sa luha n'ya eh. Bawat sulat ni Manloloko, binabasa. Pinapaalala sa sarili n'ya ang mga pinagdaanan nila. Parang kinalimutan na rin n'yang may pagkukulang din naman talaga sa kanya si Manloloko. Eh wala eh. S'ya si Tanga e.

Kilala mo ba si Tanga?

S'ya 'yung pilit na ipinagsiksikan ang sarili kay Manloloko. Si Manloloko naman, tinataboy s'ya palayo. Ang ginagawang dahilan, ang mga naging pagkukulang ni Tanga. Parang isinantabi na ni Manloloko na s'ya rin, may pagkukulang. Ayan tuloy, nabasag ang pride ni Tanga. Alam ni Tanga sa sarili n'yang naging maayos naman s'yang kasintahan, pero bakit ang sabi ni Manloloko, marami s'yang pagkukulang? Napapaluha na lamang s'ya. Ba't nga ba s'ya naging Tanga?

Kilala mo ba si Tanga?

O baka ... ikaw s'ya?

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon