One Shot # 3 - Masaya

784 35 4
                                    

One Shot # 3:

Kung masaya ka, tumawa ka. HAHAHA. Kung masaya ka, ngumiti ka. HAHAHA. Ikaw ay tumawa, kahit na nasasaktan. 'Yan ang gawin mo, tumawa ka. HAHAHA.

---

Tumawa ka na naman.

Corny ang joke ng kaibigan mo, pero tumawa ka pa rin. Kunwari masaya ka. Kunwari nakikisama ka sa mga kaibigan mo ng maayos. Kunwari, totoo ang tawa mo.


Hindi nila nahalata.

Ang mga kaibigan mo, tinanggap ang acting mo. Hindi nahalatang habang tinitingnan mo s'ya mula sa malayo, may kumukurot sa puso mo. 'Yung kurot na pino, pero masakit. Hindi nila napapansing iba ang nasa mga mata mo. Iba ang sinisigaw ng damdamin mo sa pinapakita mo.


Nagbiro ka.

Tumawa rin sila. Halos masamid na nga kakahalakhak eh. Kaso, dumaan s'ya. Napansin s'ya ng mga kaibigan mo at tinukso ka, sinusundot-sundot ang tagiliran mo. Naaasar ka na, pero tinanggi mo ang pang-aasar nila sa pag-ngiti at pagtawa. Napatingin s'ya sa gawi mo. Napahinto ka sa ginagawa mo. Bumalik sa utak mo ang mga naging pag-uusap ninyo.


Ngingiti ka na ng tunay.

Kaibigan mo s'ya. Minsa'y nakakabiruan, minsa'y nakakausap mo ng matino. Madalas din kayong magka-text at kung magkadaanan sa hallway ay nagbabatian. Kung tutuusin, maayos na sana eh. Nasa stage one na kayo. 


Kaso, naalala mong may kasintahan na nga pala s'ya.

Kilala mo ang kasintahan n'ya. Pasok na pasok s'ya sa kantang "Nasa Iyo na Ang Lahat" ni Daniel Padilla. Lahat na ng hahanapin na magandang katangian, nasa kanya na. Paano naman sisiksik ang isang katulad mo sa eksena?


Napayuko ka.

Nagtatawanan pa rin ang mga kaibigan mo. Nakalayo na s'ya at sinliit na ng langgam sa paningin mo. Parang hindi nila napansin ang mga nagaganap sa loob ng utak mo, kaya tahimik ka na lang nagmukmok. Lingid sa kaalaman nila, sa likod ng mga tawa mo, umiiyak ka. Sa likod ng mga ngiti mo, nasasaktan ka na.


Tumawa ka na naman.

Ayan ka na naman, tumatawa. Kahit na parang iniipit na ang puso mo. Kahit na parang tinuhog na ito. Kailan mo ba ipapakita sa iba ang totoo mong damdamin? Malay mo, may habol ka pa. Kaso, akala n'ya, masaya ka na ng wala s'ya.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Where stories live. Discover now