One Shot # 7 - Fifteen Seconds

513 20 1
                                    

One Shot # 7:

You stare at him. He stares at no one.You sigh. But then he looks in your direction. Your lips curve into a smile.

Note: Haha. Konti lang alam ko sa basketball, pagpasensyahan. I-correct n'yo na lang po ako. :D

***

One.

Nagbabasket-ball na naman sila. At ang maganda, nasa kanya ang bola. Tick-tock, tick-tock. Nangunguna ang team ng kalaban. Pero tatlong puntos lang naman. Kumpiyansang-kumpiyansa kang magagawan pa nila ng paraan 'yun. Sila pa? Eh s'ya kaya ang pambato ng grupo nila.

Two.

Pawisan na s'ya at medyo hinihingal. Ikaw naman, mapapaos na kakatili at kakasigaw para sa grupo nila. Eh ano pa nga ba? Crush mo s'ya eh. Kailangan mo s'yang i-cheer. Kahit 'yun man lang, magawa mo.

Three.

Nag-aim s'ya ng bola at hinagis ito bago pa man maharangan ng kalaban. Shoot! Sigawan mula sa gawi n'yo ang maririnig. Lamang na sila, diba? Teka, teka. Wala ka nga palang alam sa scoring ng basketball, kaya hinintay mo na lang ang pag-score. Hm. Tabla. Pantay. Kailangan pang pagbutihin. Sinigaw mo ang pangalan n'ya.

Four.

Sa gulat mo, lumingon s'ya. Nakita mo kung paano ka n'ya nginitian.

Dug dug, dug dug. Puso mo ba 'yun? Ang lakas kasi eh, mas malakas pa kesa sa mga hiyaw nila eh. Pero ba't parang ikaw lang ang nakaririnig? Hindi mo namalayang nakangiti ka na pala. At nakabalik na pala sila sa paglalaro.

Five.

Napabuntung hininga ka. Totoo 'yung nangyari kanina, diba? Nginitian ka talaga n'ya. Pulos pangalan na lang n'ya ang sinigaw mo. Ewan. Masyado ka atang tinamaan ni Kupido, nasira na ang brain cells mo. Pero ... sa pagkakakita mo sa mukha n'ya, nakangiti pa rin s'ya. Dug dug dug dug. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso mo.

Six.

Kinalabit ka ng best friend mo, tumatawa. Konti na lang kasi at ikaw na mismo ang makikisama sa laro. Konti na lang at masusubsob ka na sa court. Nahiya ka, namumula ang mukha. Nagtatakbuhan pa rin ang mga player sa court, hindi pinapansin ang pagkakagulo n'yong dalawa. Medyo humina na ang pagsigaw mo, pero hindi ka pa rin nagpaawat. 

Seven.

Naka-score ang kalaban. Nagsigawan ang mga nasa kabilang ibayo. Nag-boo ka naman, ugat ng pag-irap sa'yo ng isa sa mga fans ng kabilang grupo. HIndi mo na lang pinansin. Ba't ba? Masaya kayang magmaldita paminsan-minsan. Atsaka, ba't ba? Weakling naman kasi talaga ang grupong 'yun eh. Basta nandun sa grupo ang crush mo, syempre, sure win sila!

Eight. 

Mabilis ang pangyayari. Pitong segundo na lang bago matapos ang buong laro. Championship pa naman 'to, at malaki ang nakataya. May cash prize pa nga ata, kung 'di ka nagkakamali. Nagkakaingay na ang dalawang grupo ng fans. Nasa kanya na naman ang bola, at 'di mo makakailang mabilis s'yang makalusot sa iba. S'ya pa?

Nine.

May matangkad na lalaki mula sa kabilang koponan ang humarang sa kanya. Halatang hirap na hirap s'ya sa pag-iwas. Pinasa na lang n'ya sa ka-myembro n'ya, pero ... wala. Lumagpas at nag-landing sa kalaban nila.

Ten.

Pabulong ka nang nagmumura. Gustong-gusto mong sapakin 'yung lalaking nangharang sa kanya. Lahat-lahat nang maisip mong pagpaparusa, tumatakbo sa isip mo. Buntung hininga. Pinigilan n'ya ang lahat. Pero kaya pa naman nilang manalo eh. Konting-konti lang naman ang lamang. Ano ba naman ang two points, diba?

Eleven.

Takbo. Iwas. Takbo. Talon! Naagaw n'ya ang bola mula sa kalaban. Para s'yang insektong sumingit-singit para makuha ito, na mas nakapagpamangha sa'yo. Nakita mo rin kung paano n'ya sinubukang i-shoot ang bola, at pumasok naman ito sa ring.

Twelve.

Tabla na naman ang dalawang koponan. Halos maghandusay ka na sa gilid ng court sa kakacheer sa kanya. Nakita mo sa mga mata n'ya ang determinasyon. Kakayanin n'ya 'yun. Kakayanin nilang lahat ang maka-score, diba?

Thirteen.

Napunta ulit sa kanila ang bola, at agad naman itong hinagis ng kagrupo ng crush mo. Pero umikot lang sa ring at nalaglag. Napa-"tsk" kayo, pero patuloy ang laban. Nakuha ng kalaban ang bola! Naka-cross fingers kang bumubulong ng sumpa para madapa 'yung player nang ihagis nito ang bola.

Fourteen.

Napatingin ka sa bola. 'Di mo namalayang nakatingin s'ya sa'yo. Ewan, siguro nagawi lang ang mata n'ya sa direksyon mo sa taranta. Pero ... malay mo? Inalis n'ya ang tingin n'ya sa'yo at tumingin na rin sa bolang umiikot sa ring.

Fifteen.

Eeeeeeng. Nag-buzzer na at nakascore pa rin ang kalaban. Nagsigawan ang nasa kabilang side. Nagbuntung hininga ang mga ka-team ng crush mo. Gayon din ang ginawa mo. Hinayang na hinayang ka at panay ang mura sa huling nakapuntos na 'yun.

'Di mo tuloy namalayang may nakahawak pala sa balikat mo.

"Ayos lang 'yan," sabi ng boses, at napatingin ka sa kaliwa mo. S'ya. Pawis na pawis at humihingal, pero s'ya pa rin 'yun. Tumibok ng pagkabilis-bilis ang puso mo. Dug dug dug dug. Parang ambulansya.

"D-D-Di kayo nanalo, pero ayos lang 'yan! Ang galing n'yo pa rin!" taranta mong sinabi, namumula ang mukha, habang tawang-tawa ang best friend mo sa gilid n'yo ng crush mo.

"Ikaw talaga. Thanks," bulong ng crush mo at tinapik ka ulit sa balikat. Nagpaalam s'yang magbibihis muna at nakangiting kumaway-kaway sa'yo. 

Kahit na likod na lang n'ya ang tinititigan mo, parang may humahabol sa'yong toro sa bilis ng tibok ng puso mo. Ganyan nga siguro ang mga tinamaan. Wala kang magagawa. Minahal mo s'ya eh.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Where stories live. Discover now