One Shot # 6 - Once Upon a Time

583 17 3
                                    

One Shot # 6 :

Once there was a boy who came into my life. He became mine. But that was once. Now, it's as if "we" never existed.

***

Once upon a time ...

Umabot sa kadulu-duluhan ng gymnasium ang boses mo. Magso-story tell ka na naman. Only this time, wala na s'ya sa gilid mo. Hindi na s'ya nagchi-cheer para sa'yo. Ni wala na nga s'ya sa skwelahan mo eh.

She hopes ...

Gustung-gusto mo ang pagstory tell at pag-acting. Alam mong passion mo 'yun. Ang makita ang audience na humahalakhak tuwing magpapatawa ka, napapakunot kapag nagdadrama ka, napapasigaw kapag nanakot ka. Sobrang rewarding nun para sa'yo. Pero ngayon? Inakala mong papanoorin ka man lang n'ya. Pinangako n'ya 'yun dati eh. Pero kahit na last act na ang gaganapan mo, wala pa rin ni anino n'ya.

She prays ...

God, bulong mo. Sana kahit ngayon man lang, dumating s'ya. Sana kahit as friends lang, at hindi dahil sa kayo pa. Matagal mo nang tanggap na wala na kayo. Tanggap ng isip mo, that is. Pero bakit sabi ng puso mo, hindi pa? Bakit hindi mo pa feel? Mas gugustuhin mo pa bang harap-harapan n'yang sabihin sa'yong ayaw na n'ya sa'yo?

She cries ...

Nagulat ang mga kasama mo sa program. Wala naman sa story mo na iiyak ka eh. Pero bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata mo. Nabigla ka. Ba't ayaw tumigil ng luha mo? Pati ang audience, nagtataka. Children's story ang kinukwento mo, tapos may drama scene? Hindi mo dapat paghaluin ang dalawang 'yun! Get yourself together.

She smiles ...

Bigla mong iniba ang takbo ng storya. You made out na nadapa ang bata at umiyak, at napatawa mo ang audience, inaakalang scripted lahat 'yun. Pero someone in the shadows, in the backstage, clapped. Someone.

He smiles ...

Kitang-kita n'ya ang ganda mo. Kitang-kita n'ya ang kislap ng mga luha sa mata mo. Alam n'yang hirap na hirap ka na. Alam n'ya ang kwento tungkol sa inyo ng nakaraan mong pag-ibig. Alam n'ya rin sa sarili n'yang wala s'yang dahilan para isiksik ang sarili n'ya sa'yo.

He cries ...

Akala mo ba, babae lang ang umiiyak? Well, kadalasan. Pero iba ang paraan nila ng pagbubuhos ng galit. Kung nakita mo lang kung gaanong karaming lapis na ang naputol n'ya tuwing naiisip ang kwento n'yong dalawa. Kung ilang baso ang nabasag n'ya tuwing nakikita n'ya ang malungkot mong mukha. Kung ilang pader ang nasuntok n'ya tuwing maaalala n'yang wala s'yang magawa, kundi ang subukang palitan s'ya. Kaso, ang gusto mo, 'yung orihinal.

He prays ...

Gabi-gabi, pinagdarasal ka n'ya. Kaunti na lang ang mga kagaya n'ya sa mundo, pero 'di mo pa rin s'ya napapansin. Gabi-gabi, paulit-ulit lang ang hinihingi n'ya. Ang sumaya ka. Kahit na hindi sa piling n'ya. Alam naman n'yang mahal mo pa rin 'yung isa eh.

He hopes ...

Balang araw, magpapasalamat ka rin sa kanya. Na sinubukan n'yang palitan 'yang iniiyakan mo. Na sinubukan n'yang tulungan ka. Na pinagdasal ka n'ya. Na pinagdasal n'yang sana ay sumaya ka. Baka nga balang araw, mahalin mo rin s'ya! Pero sa ngayon, ang magagawa lang n'ya ay pumalakpak habang umaasang magkakaroon din kayo ng sarili nyong ...

Once upon a time.

Some Days in Life (Compilation of One Shots)Where stories live. Discover now