Chapter 22

261K 2.6K 581
                                    

Steph’s POV

Pinipilit kong maging matatag sa kabila ng sakit na nararanasan ko ngayon. Inaamin ko, noong una, gusto ko syang masaktan pero iba na ngayon.

Nadudurog ang puso ko habang nakikita ko ang pag-agos ng kanyang mga luha. Isa si Nate sa pinakamatapang na taong kilala ko pero sa pagkakataong ito, kitang-kita ko ang panghihina nya.

I’m sorry Nate.

Hindi ko sinasadya.

Yan lang ang tanging mga salitang nasa isip ko ngayon. Gusto ko mang sabihin yan sa kanya, hindi ko magawa dahil alam kong hindi mapapawi ng kahit anung salita ang tinatamasa nya ngayon. Pinili kong umalis sa harapan nya dahil hindi ko na matiis na makita pa syang lumuluha.

Nagkulong ako sa kwarto at doon ko ibinuhos lahat ng galit ko sa sarili ko.

Oo, galit ako sa sarili ko dahil alam kong may nasaktan akong tao.

Taong mahal ko.

Pero alam kong mas magagalit ako sa sarili ko kung magpapanggap ako sa harapan nya gayung may iba ng nagmamay-ari ng puso ko.

Lumipas ang ilang minuto at nadinig ko ang pamilyar na tunog ng piano.

Sumilip ako sa labas. Nakita ko na tumutugtog si Nate habang puno pa rin ng luha ang kanyang mga pisngi.

Kung tayo’y matanda na
Sana’y… d-di tayo mag..ba..go

Pinilit kong takpan ang bibig ko para hindi nya marinig ang hikbi ko habang pinapanood sya. Halos hindi nya mabigkas ang linya ng kanta sa sobrang iyak nya.

At kailan ma’y… na-s-saan ma’y
I-Ito.. ang pa..nga…rap ko

Makuha mo pa kayang
Ako’y.. hag..kan at yaka-p-pin ooh..

Ayoko na. Hindi ko na kayang makita pa sya ng ganito. Hindi ako makapaniwala na ako pa ang sisira sa kanya.

Marahan kong isinara ang pintuan ng kwarto ko at nahiga ako sa kama. Pero kahit hindi ko na sya nakikita, naririnig ko pa din na patuloy sya sa pagkanta. Sa unang pagkakataon, wala akong magawa para pagaanin ang loob nya. Wala akong magawa para patahanin sya.

Pamiya-miya pa ay tumigil na ang tunog ng piano. Kasabay ng paghinto nito ang mga yabag patungo sa kinaroroonan ko. Pinilit kong pumikit at nagkunwaring tulog dahil hindi ko na sya kaya pang harapin.

Ilang segundo pa ay narinig kong bumukas ang pintuan. Nararamdaman kong papalapit sya sa akin pero nanatili akong nakapikit.

Hinaplos nya ang noo at buhok ko. Gusto ko syang yakapin nung mga panahong iyon pero ayoko ng pahabain pa ang paghihirap naming dalawa.

Narinig ko ang buntong-hinga nya habang nakaupo sya sa tabi ko.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon