Chapter 43

229K 3.2K 924
                                    

Steph’s POV

It’s already 9 o’clock in the morning and I’ve decided not to go to work. Napuyat kasi ako kakagawa nung project ni Alex sa school.

“Mommy, pwede po ba akong pumunta kila henry mamaya pagkatapos ng class?” mabait na tanong ni alex pagkatapos sumubo ng kanin. Kahit medyo tapon tapon ang kanin sa bibig nya, hinahayaan ko lang dahil gusto kong matuto na sya sa mga bagay bagay.

“Bakit baby? Maglalaro kayo?” tanong ko naman sabay higop sa kapeng nasa harapan ko.

“Tita Angie bought Henry a new train set. Kaya sabi po ni Henry, tulungan daw namin sya ni Carlo na buoin yun. Please, mommy? It’s Friday.” Pilit ni Alex. Haynako, ang bata bata pa ng anak ko, marunong nang maglakwatsa. Manang-mana sa ama.

Ayoko sana syang payagan pero paano ko naman tatanggihan ang ganitong mukha? Napakalamlam ng kanyang mga mata na animo’y nagsasalita rin na payagan ko sya. Ang matambok nyang pisngi na pinaliligiran ng mga butil ng kanin ay talaga namang nakakapanggigil. Kahit maliit at kaunti palang ang mga ngipin nya, kitang kita ang pagkaputi nila na kumukontra sa maitim nyang buhok.

“Please mommy!” pilit ulit ni Alex habang tinititigan ko sya.

“Okay sige, susunduin nalang kita kila tita Angie mo later.” Pagkatapos ay ginulo ko ang buhok nya.

“Mommy!” tutol nya naman pagkatapos ay inilayo ang sarili.

I just laughed at him and continued my breakfast.

“Ako nalang ang susundo sa kanya, magkikita naman kami ni Matt mamaya.” Biglang sabi naman ni Ate Elaine sa likuran. Nagiging seryoso na talaga ang relasyon nila ni Kuya. Matanda naman na sila ni kuya so I don’t mind if she’s spending the night every now and then.

“Are you sure? Baka naman may lakad kayo ni kuya” tanong ko naman sabay abot sa kanya ng isang plato.

“Okay lang, alam mo namang gusto naming may chaperon” then she laughed as she winks at Alex.

“Alright, be a good boy Alex, huh?” lipat ko ng tingin kay Alex habang abot tenga ang kanyang ngiti.

“Always!” sigaw nya sabay taas ng kanyang mga kamay. Natutuwa ako tuwing nakikita ko kung paano sya lumaki nang masayahin at mabait. I’m pretty sure I did a good job on being a mother.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon