Chapter 27

254K 2.5K 160
                                    

Steph's POV



Hindi ko alam kung bakit 7:00pm palang, umalis na agad kami ni Justin sa club ni Tyler. Hindi man sila nagsasalitang dalawa, batid ko na may problemang naganap dahil biglang nag iba ang mood ni Tyler. Sayang, noon palang sana kami nagkakakwentuhan ni Mel.



Nandito kami ngayon sa may penthouse ni Justin.




Pangalawang beses pa lang akong napupunta dito, pero parang kilalang kilala ko na ang buong lugar. I took a deep sigh as I remember what happened the last time I was here.



Hinaplos ko ang malaking pintuan na nasa likod ko. Ganun na ganun pa din ang texture nya. Napapangiti na lang ako habang naaalala ko ang naging role ng pintuang ito nung gabing iyon. 




Lumapit pa ako ng kaunti sa kabilang side ng pintuan hanggang sa marating ko ang tamang pwesto.



This spot. 



This exact place...



... Is the place where i first tasted his soft lips.

"Thank you for keeping my balance that night" I smilingly whispered on the hard wooden door.



"What are you doing?" Nagulat na lang ako nang biglang magsalita si Justin sa likuran. "Reminiscing the first time I fucked you?" He said in a very lustful voice then moved closer to where I am.



Why does he always make everything sound so... bad?



Bigla tuloy nag-iba ang mood ko. Pinipilit ko na nga lang pasayahin ang sarili ko pero bakit sinisira nanaman nya?? Lumapit pa sya sa akin hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha. Nagpatuloy ang mga mata nya sa pagtitig sa akin na para bang unti-unti na akong hinuhubaran kahit may saplot pa ako. Mabilis nyang kinuha ang mukha ko gamit ang kamay nya at sinubukan akong halikan.



Pero agad kong inilihis ang mukha ko para hindi ito mangyari. He was stunned by what i did. 



Halos limang segundo din syang napatigil habang nakahawak pa din sa mukha ko at nakalapit ang bibig sa aking labi. "Ayaw mo?" Galit na tanong nya pagkatapos ay umayos ng tayo at binitawan ang mukha ko. 



"Bakit? Dahil hindi ako si Nate?!" Sabi nya.  Sa pagkakataong ito ay napatingin na ako sa kanyang mga mata. "Anu ba talagang nakita mo sa duwag na yun?!" Dagdag nya.




Nag init ang tenga ko sa narinig ko. 

"Si Nate nanaman?! Bakit ba lagi mong sinisisi si Nate?!" Sagot ko sa kanya. Nakakapikon na, wala syang alam sa nangyari kaya wala syang karapatan na sabihin ang mga iyon sa kanya.

"Nasa iyo na nga ako diba?! Pinakasalanan na kita. Pati katawan ko ginagamit mo na. Anu pa bang gusto mo?!" Sigaw ko sa kanya pagkatapos ay dali-dali akong umalis at ibinagsak ang pintuan ng banyo.

Justin’s POV

Nahihilo-hilo pa ako pero pinilit kong lumakad at kumatok sa pintuan. “Tyler! Tyleeeer!” kabog ko sa pintuan ng bahay nya.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon