Chapter 41

226K 2.9K 749
                                    

Steph’s POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan yung itsura ni Justin nang sabihin kong mahal ko din sya. Para syang istatwa na biglang naubusan ng hangin sa katawan.

“Mommy, why are you smiling?” biglang tanong ni Alex habang nag-uumagahan kami. Para naman kasi akong tanga na kusang ngumingiti dito sa lamesa.

Lumapit naman ako kay Alex at hinawakan ang maliit nyang mukha. “Because I’m happy to see you” sabi ko sa kanya pagkatapos ay pinisil ko ang kanyang ilong.

“Mommy stop that!” tutol nya naman pero imbis na huminto ay binuhat ko sya at tsaka kiniliti habang hinahalikan sa mukha. We love tickling each other.

Pero habang nagkakasiyahan kami ng anak ko ay biglang may nag doorbell.

“Save by the bell” nakakunot na sabi ko kay Alex habang habol hininga sya sa kandungan ko.

Agad naman akong nagpunta sa pintuan para tingnan kung sino yun. May kaunting ngiti at pagtataka sa mukha ko nang makita sina Jenny at Justin sa pintuan.

“Hi, Steph” bati ni Jenny habang si Justin ay nanatili sa kanyang likuran.

“Anung ginagawa nyo dito?” tanong ko naman agad.

“Sorry kung nakaistorbo kami ah. Tinatawagan kasi kita pero hindi ka sumasagot kaya minabuti na naming magpunta dito. Buti nalang alam ni Justin yung bahay nyo” sabi ni Jenny at nakita ko ang irita sa mukha ni Justin. Syempre naman alam nya tong bahay NAMIN. I hide my grin for that thought.

“Ganun ba? Pasensya na din, medyo busy kasi ako kay Alex” then we all looked at Alex. “Baby, say hi.”

“Hi po” sabi naman ni Alex na pawis na pawis dahil sa maikling laro namin kanina.

“Hi Alex!” sabi naman ni Jenny then she extended her arms asking for Alex to come towards her. I nodded then Alex gave her a greeting kiss.

“Upo muna kayo, Jenny” sabi ko naman matapos panggigilan ni Jenny ang anak ko. Agad namang lumipat sa tabi ko si Alex nang pumasok si Jenny.

“Ang ganda naman ng bahay mo, Steph” sabi ni Jenny habang iniikot ang tingin sa buong bahay.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon