Chapter 39

212K 2.4K 329
                                    

Steph’s POV

Kumakabog ang dibdib ko habang hinahanap ko sya sa airport. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko pero hindi ko na kaya pang patagalin ang paghihirap ko. Bahala na kung anu man ang mangyayari. Bahala na kung anu man ang isasagot nya.

Agad ko silang naaninag ni Jenny na papasok sa isang sasakyan. Tumakbo ako para maabutan ko sila. “Justin wait!” sigaw ko pagkatapos ay agad syang napalingon.

“Steph.” sambit naman ni Jenny habang hinihingal akong nakatayo sa tapat ng sasakyan.

 

“Hi Jenny. I just need to talk to Justin for a while.” Sabi ko sa kanya pagkatapos ay lumipat ang tingin ko kay Justin na hanggang ngayon ay hindi nagsasalita at parang istatwa lang na nakatayo. “Like an OLD FRIEND talk. I hope you don’t mind” I emphasized.

“Sure. I’ll just wait here” nakangiting sabi nya sa amin.

I see the hesitation in Justin’s eyes pero hindi nagtagal ay sumama din sya sa akin. We went to a place where we could talk privately.

Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kabog ngayong kaming dalawa na lang ang nandito. I stared at him and saw that nothing much has changed in his physical appearance. He’s still the same Greek God I fell in love with.

Nakatingin lang kami sa isa’t isa ng mga ilang minuto. Pero hindi nagtagal ay sya ang unang nagsalita. “Now what?” sabi nya.

“You said you love me” matapang na sabi ko.

“No. You said you love me very much” mabuti na lang at may boses pang lumalabas sa bibig ko kahit na parang may bara dito sa dibdib ko. Pinilit ko ding i-contain ang emosyon ko kahit kanina ko pa gustong umiyak. “Then why did you leave me?”

Hold it, Steph. Don’t cry. You can do this.

Napailing sya sa tanong ko at napahawak sa ulo nya. “It’s been four years, Steph. Wag na nat–”

“Don’t tell me how long it was because I’ve been counting every single day that you’re not with me.” I straightforwardly told him. “Answer me Justin. Why did you leave me?!”

Habang natetense ako sa kung anu mang isasagot nya, nagulat ako nang bigla syang tumawa. He laughed as if I said something funny. “Why are you so mad, Steph?”

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon