Epilogue

318K 6.2K 1.2K
                                    

Steph’s POV

I don’t know what time it is but I felt the need to shower. Ang lagkit kasi at ang init ng pakiramdam ko. I was making love with my husband the whole day. We barely get out of bed, not that I’m complaining.

Dahan-dahan akong umalis sa pagkakayakap ni Justin. I comb his hair using my hand. Kusa nalang akong napangiti. Ang sarap sa pakiramdam na abot kamay ko na sya ngayon. Ang sarap sa pakiramdam na magkasama kami ngayon. I kiss his forehead before I finally hit the bathroom. I let the water splash continuously over my naked skin. I closed my eyes and try to remember everything.

It’s been two weeks since we got back together. Everything went well. We’re also back in our castle. Dito tumira si Justin at si mama noong wala ako. Pero ngayon, nagpasya kasi si mama na kila Tyler muna tumira lalo na’t nagbabalak nang magkaanak sila Mel. I’m so happy for them. Sila ang gumabay kay Justin nung mga oras na wala ako. Ang I’ll be forever grateful for that.

Kahit saglit lang din kaming nagkasama ni mama, ramdam ko ang pagmamahal nya. Parang bumalik yung alaala ko kay mommy.

Parehas silang maalaga at maalalahanin.

Kahit papano, naramdaman ko ulit ang magkaroon ng ina. Ipinangako nya naman sa akin na kapag magkakaanak na kami ni Justin, sa bahay sya titira para matulungan nya ako. Pero hindi naman kami nagmamadali ni Justin na magkaanak agad. We’re not rushing things. Kauumpisa palang namin ulit, we want to make things one step at a time.  

Nagpropose na nga rin pala si kuya kay Ate Elaine. I told him it’s about time. It’s about time na yung buhay naman nya ang bigyang pansin nya at wag na yung akin. Sabi ko sa kanya, okay na ako. Malaki na ako at kaya ko ng alagaan ang sarili ko. Agad namang humigpit ang yakap sa akin ni Justin nung mga oras na yun at sinabi nyang, “Ako ang mag-aalaga sa iyo.” And he earned a kiss for that.

Hindi naging madali ang muling paghaharap ni kuya at Justin. Alam kong may kirot pa rin sa puso ni kuya at mahirap para sa kanya na muling tanggapin si Justin sa kabila ng lahat ng nangyari. Pero pinatunayan naman ng asawa ko na mahal nya ako.

Akala nila hindi ko alam, pero narinig ko ang banta ni kuya kay Justin. Alam kong sinabi ni kuya na sa oras na saktan ako ulit ni Justin, hindi sya magdadalawang isip na ilibing ng buhay ang asawa ko. I wanted to interrupt their conversation that time but I was shocked with what Justin said. “If I hurt her again, I’ll give you the license to kill me.”

Then they shake their hands as if it was a done deal. 

Pero ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay ang muling paghaharap ni Nate at Justin. We were celebrating kuya’s engagement that day kaya naman imbitado sila –Nate, Betchay and their daughter, Emily.

Agad kong kinarga si Emily at humalik naman sya sa akin. Ipinakilala ko sya kay Justin at binigyan lang ni Justin ng isang maikling tango ang bata. Justin loves kids, ayaw nya lang sigurong ipahalata na nagagandahan sya kay Emily knowing that the child is Nate’s.

I let Emily play around the house before talking to Nate.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon