Chapter 40

226K 2.8K 576
                                    

Steph’s POV

“Steph! Nandito na si Nate!” sigaw sa akin ni kuya pagkatapos ay kinatok ang kwarto.

“Yes, kuya!” sabi ko naman.

I take a one last look at the mirror. Let’s do this Sandoval. Bring it on.

Marahan akong bumaba ng hagdan at nakita ko sa dulo si Nate. He’s wearing a navy blue long sleeve. Medyo nakatupi ito hanggang sa braso nya at lumalabas ang kanyang mga muscles. Naka-ayos din ng mabuti ang buhok nya at wala sya kahit konting balbas o bigote.

He looks gorgeously clean.

Pero syempre, hindi naman ako papatalo. Batid ko ang pagtitig ni Nate sa akin mula sa pagbaba ko ng hagdan. Kaya naman pinagbigyan ko sya at mas lalo ko pang binagalan ang lakad ko. Halos lumuwa na ang mata nya nang makarating ako sa kanyang harapan. He looked at me from head to foot with a shocking expression.

Pailing-iling sya habang nakangiti sa akin. “Miss, can I get your number?” then he chuckled.

“Sorry, I don’t talk to strangers” bawi ko naman pagkatapos ay inilagay ko ang kamay ko sa braso nya.

Hindi pa man din kami nakakalabas ng pintuan ay agad akong hinapit ni Nate sa bewang at binulungan. “You’re the hottest mommy I’ve ever seen.”

Agad naman akong napangiti pero imbis na tingnan sya ay bigla ko syang itinulak ng marahan at naglakad ng mas mabilis para makita nya akong maglakad. I swayed my hips as if I’m on a runway. Mas lalo ko pa syang tinukso at nagpa-sexy habang nakatalikod ako.

“Stop staring, Nate” nakangising sabi ko dahil alam kong hindi sya naglalakad at nakatitig lang sa paglakad ko. Pero ilang segundo ay narinig ko ang pagtawa nya. Naramdaman ko ding tumakbo sya para buksan ang pintuan ng sasakyan.

Agad naman akong umupo sa loob habang si Nate ay naiwang nakatayo sa labas ng sasakyan at hawak pa rin ang pintuan. He leaned towards me. “Make sure that you’re wearing something inside. Baka mahubaran kita sa tingin ko.” Mapang-asar na sabi ni Nate.

Napanganga naman ako sa sinabi nya. “Since when did you become a pervert?”

“Since you learned how to tease” he managed to say before entering the car.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon