Chapter 38

225K 2.5K 558
                                    

Steph’s POV

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kama. Ayokong magising sya dahil masisira ang plano ko. Kagabi ko pa inayos ang lahat para ngayong umaga ay hindi na ako mataranta. I watched him sleep for a while. I stared at his face and it made me smile.

I’m really lucky to have him in my life.

“Steph.” bulong ni kuya sa likuran ko at muntik ko nang mabagsak ang hawak ko.

“Kuya naman! Wag kang maingay!” sabi ko sabay hampas sa kanyang balikat. Napangisi naman sya at sinenyasan akong ‘go na’.

Kaya naman mas lumapit pa ako sa kanya at hinalikan ko sya sa pisngi. Then I rub the tip of my nose on his cheek to wake him up.

“Hmmmmm..” sabi nya pero hindi pa din dumidilat ang kanyang mga mata.

So I repeated what I did and whispered in his ears, “Wake up, honey.”

And when he opened his eyes, sabay kaming sumigaw ni kuya ng, “Happy Birthday!” then kuya pop the confetti as I offer him the cake.

Agad naman syang napangiti at namangha sa sobrang daming confetti sa ibabaw ng kama nya. “Make a wish before you blow your candles” I told him then he closed his eyes.

Pumalakpak naman kami ni kuya nang hipan nya ang mga kandila. “I love you” I told him.

“I love you too, mommy” then he gave me a sweet hug.

“Happy Birthday Alex!” sabi naman ni kuya sa kanya pagkatapos ay hinalikan sya sa noo.

“Thank you Uncle Matt” pagkatapos ay nag-apir sila at nagkilitian. Napangiti nalang ako habang pinapanood sila. I’m happy that Alex grew very close to my brother.

“Stop it Uncle Matt! I can’t breathe! Pleaase!” hinaing ni Alex habang tawa ng tawa dahil sa ginagawa sa kanya ni Kuya. Pero itong si Kuya ay walang patawad at talagang nakipaglaro agad sa anak ko.

“Mommy save me!” sigaw ni Alex ng magkaroon sya ng pagkakataon na makawala kay kuya pagkatapos ay nagtatakbo sya sa likod ko at nagtago.

“Hmmmm… asan kaya si Alex?” pagkukunwari ni kuya habang nakatakip ang mukha ni Alex gamit ang mga palad nya sa aking likuran. Kinuha ko naman ang unan at itinakip kay Alex para kunwari’y hindi sya makita ni kuya.

SFLLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon