Chapter [11]: First Day

16.9K 594 167
                                    

Chapter [11]: First Day

Abigail's POV

"Paano Pau? Aalis na ko ah? Baka ma-late pa ako sa First day ko e." Sabi ko kay Pauline.

["Haha. Osige! Good luck sa inyo."] Sabi nito.

Natapos na nga ang video call namin ni Pauline. Well, this is our first day in college. Mag-sisimula na kami maging stressful pagdating sa school papers or such an thesis.

Well, andyan na si Jin! Sabay daw kasi kaming papasok ngayon.

"Nandiyan na sundo mo." Sabi ni Ate sa labas ng kwarto ko.

"Susunod na ko." Sabi ko naman sa kanya.

After I check my things. Lumabas na nga ako ng kwarto at dumiretso na sa labas. Well, makikita ko nanaman si Mae either her bitch-friend. And I hope sana hindi ko siya course-mate or should I say classmate, baka hindi ko mapigilan at ma-curse ko siya. I mean, murahin ko siya ng bongga.

"Hello bhie. Tara na?" Sabi ni Jin at kinuha ang aking shoulder bag.

"Okay. Excited ka ata." Sabi ko sa kanya at sumakay sa shotgun seat.

"Syempre. Kasama nanaman kita at masaya pa ako kase schoolmate tayo." Sabi niya at inistart ang engine.

"Sus. Baka masaya ka kase makikita mo si Mae." Sabi ko sa kanya at nagkibit-balikat.

"Wag na no. Nananahimik ako dito bhie ah? Wag ganyan." Sabi niya at tumingin sa akin. Tinabig ko naman ang mukha niya.

"Tungaw! Ayoko din naman ng away. Binabalaan lang kita. Sa oras na nahuli ko kayong dalawa! Lagot ka saken." Banta ko sa kanya.

"Masusunod boss!" Sabi niya.

"Maayos na usapan yan ah!" Sabi ko sa kaniya.

"Oo naman Boss! Susundin ko utos mo, ganon kita kamahal." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay.

"Dapat lang! Nako." Sabi ko sa kaniya at nginitian siya.

Nang makarating kami sa school, nag-hanap na kami ng parking. Well, namimiss ko na din mag-drive. Ayaw na kasi ako pagdrive-vin ni Jin baka daw maaksidente pa ako. Ganon siya ka-oa mag-isip.

"Tara na bhie." Sabi niya at lumabas na ng pintuan. Ako din naman ay ganon din, hindi na ako pinag-bubuksan ni Jin ng pintuan tulad ng iba. Ayoko lang. Dahil hindi naman talaga ganon si Jin.

"Anong class mo bhie?" Tanong niya sakin.

"Fashion Designing AB po ako. 7:30-9:00 am po ngayon ang klase ko." Sabi ko sa kaniya.

"Sunduin na lang kita bhie mamaya, kaso mag-aantay ka pa." Sabi niya. Mas mauuna kasi ako mag-oout kesa sa kaniya.

"Hindi bhie. Halos mag-sasabay lang tayo, dalawa po kasi ngayon ang klase ko, tapos bukas tatlo na. Ikaw naman ang mag-aantay sakin." Sabi ko.

Halos mag-kaiba na kami ng schedule ni Jin sa araw-araw. Kung ako maaga ang klase minsan siya naman ay late na. Sa aming dalawa siya ang pinaka-busy sa amin. Engineering student kase siya. Yan ang gusto niya tutal ang Kuya niya naman ang bahala sa business nila. Hays!

"Pasok ka na. I love you bhie! See you later." Sabi niya at kinisan ako sa noo nang makarating kami sa room ko.

"I love you too bhie." Sabi ko at ngumiti sa kanya. Tumalikod naman na siya para pumasok sa klase niya nang mahagip nang mata ko ang isang babae.

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now