Chapter [20]: H.S!

10.7K 332 48
                                    

HAPPY BORN-DAY NGA PALA ZYRE DANE CULLEN! BESTFRIEND NG BAYAN! <3 -

Chapter [20]: H.S! ( Hindi sinasadya )

Jin's POV

Hindi ko akalain na nandito na si Pauline. Natatawa na lang ako kay Justine! Haha. Serve you right! Mukhang malakas pa din tama nung loko kay Smith ah!

"Bhie?" Tawag ko kay Bhie.

"Hm?" Sabi niya.

Magkasama kami ngayon sa bahay namin. Wala naman kaming pasok dahil kakatapos lang ng Acquaintance Party namin. Halos lahat ata nung araw na yun ay nagulat dahil nandito na ulit si Pauline.

"Kung pag-ayusin kaya natin si Pauline at Justine no?" Sabi ko.

"Wag na Jin, mukhang maayos naman na si Justine at Pauline. Saka, may Eunice si Justine at may Zyre si Pauline." Sabi niya at inayos ang gamit ko.

Bumuntong hininga naman ako, masiyado nga'ng komplikado kung aayusin pa nila yun, may mga tao'ng masasaktan.

"Buti na lang tayo no? Maayos." Sabi ko.

Labas sa ilong Jin. Kayo maayos? Eh, blinablackmail ka nga nung si Mae.

"H-huh? Ah, o-oo." Sabi niya at ngumiti ng alanganin.

Niyakap ko naman siya, sorry Abby! Promise kapag natauhan si Mae, wala ng gulo 'to!

"Ikaw ata may problema e." Sabi niya at hinawakan ang mga braso ko'ng nakayakap sa kaniya.

"H-huh? Wala ah!" Sabi ko.

"Eh, ba't mukha kang problemado diyan?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi alam kung paano gagawin yung plates ko sa drafting." Sabi ko at hinawakan ang batok ko.

Pinitik naman niya ako sa noo. "Sa susunod kasi mag-aral ka." Sabi niya at nginitian ako.

"Turuan mo nga ako Bhie." Sabi ko.

"Eh, ayoko nga! Alam mo namang itlog din ako e." Sabi niya.

"Kaya naman pala bagay tayo e." Sabi ko.

Nakita ko naman siya mag-blush. Bumuntong hininga ulit ako! Hays. Pinapangako ko Abby! Ikaw lang mamahalin ko kahit hindi ikaw ang una ko. Sorry Abigail!

"Abby?" Tawag ko sa kaniya.

Lumingon naman siya sa akin. "Bakit?" Tanong niya.

"Ah? Tanong ko lang kung... Mag-"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may kumatok sa kwarto ko.

"Lumabas nga kayong dalawa diyan." Sabi ni Kuya Jan.

Panira naman talaga 'to kahit kelan oh! Nakita ko namang napalunok si Abby. Teka? Wag mong sabihing may namamagitan sa kanila ng Kuya ko?

"May problema ba bhie?" Tanong ko.

Kahit alam kong may problema kami. Bakit ganon na lang ang epekto ni Kuya sa kapatid ko? Mas gwapo naman ako don saka diba? Kami na nga ang engaged.

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now