Chapter [16]: I need your Time

11.4K 399 54
                                    

Chapter [16]: I need your Time

Cleofe's POV

"Baby? Let's watch a movie?" Tanong ko.

"Baby? Pwede sa susunod na lang?" Sabi niya.

Nalungkot naman ako bigla. Hays! Lagi nalang saglit ang pag-kikita namin. Sa pagkakaalam ko kasi simula nung muntik nang malugi ang negosyo nila nagbago si Tito Jouseph. (Daddy ni Jousha) naging tutok lalo ito sa business nila, hindi pa nga alam ito ng barkada e.

"Ganon ba baby? Kain na lang tayo?" Sabi ko sa kaniya.

"Saan mo ba gusto kumain baby?" Tanong niya.

Naramdam siguro siya nang pag-iibang mood ko, minsan lang ako maging ganito sa kaniya minsan kasi iniintindi ko siya.

"Kahit saan nalang." Sabi ko at naglakad na.

Sumunod naman siya sa akin, pumasok na lang kami sa Gerry's grill. Umorder nalang ako ng sinigang na hipon at isang kare-kare.

"Sorry baby?" Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Okay lang. Naiintindihan ko." Sagot ko naman.

"Baby? Sorry na oh." Sabi niya at niyakap ako.

"Jousha? Please mamaya na 'to? Kumain muna tayo." Sabi ko at kumuha na ng kutsara't tinidor.

Hindi naman na siya nangulit pa, hays! Namiss ko siya tapos saglit ko lang pala siya makakasama. Hindi ko talaga makalimutan yung araw na sinabi niya sa aken na inaasikaso niya ang business nila at magiging busy siya.

Flashbacks...

After dismissal ay agad akong lumabas ng classroom, hindi ko na kaklase si Jin sa last subject kong philosophy, nag-text kasi sa akin si Jousha na mag-kita daw kami at may sasabihin daw siyang importante.

"Baby!" Tawag ko nang makita ko siyang nag-hihintay sa gate.

Agad naman akong lumapit sa kaniya, mukhang hindi maganda araw niya ngayon.

"Baby? Bakit naka-simangot ka diyan?" Tanong ko at umangkla na sa braso niya.

"Ah, wala baby." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko na nakasabit sa braso niya.

"Eh, ano yung sasabihin mong importante?" Tanong ko.

I know, masiyado na kong matanong pero kasi diba? Sinabi niya may sasabihin siya sa akin na importante, at tayong mga babae hindi natin sila titigilan hangga't hindi natin sila napapaamin.

"Baby?" Tawag niya.

Ngumiti naman ako sa kaniya at humarap.

"Po?" I giggled.

Masiyado akong excited na malaman kung ano 'yung sasabihin niya, baka mamaya may sinabi ang Dean ng school, pero bakit malungkot siya? Bad news kaya? Eh, minsan kasi nantritrip lang 'tong si Jousha e. Akala mo bad news, good news naman pala.

"Ano na 'yung sasabihin mo?" Tanong ko.

"I will be busy this year.." Sabi niya.

"Huh?" Takang tanong ko.

"My dad, gusto niyang mag-trabaho ako sa company namin, nalulugi na daw. I don't know but I want to help my parents." Sabi niya at yumuko.

"Okay lang naman sa akin, e"

"No. Hindi magiging okay, mapapabayaan kita, mawawalan ako ng oras sayo, okay lang sayo?"

Para akong tinusok sa sinabi niya, mapapabayaan niya ako, ganon na ba siya magiging kabusy? Na halos pati relasyon namin madadamay? Hays Cleofe, intindihin mo na lang.

CCPP TWO: TogetherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora