Chapter [13]: Again and Again

14.7K 471 59
                                    

Music Title : Sorry - Justine Bieber. Acoustic version.

Chapter [13]: Again and Again

Alexander's POV

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa relationship namin ni Cassy. Minsan talaga nakakasawa na, akala ko ba kami pinaka-matured? Diba pagsubok lang 'to? Bakit parang ang sarap sabihing suko na ako?

"Sinasabi ko sayo Alex. Ngayon ka pa ba susuko?" Sabi ni Justine.

"Bakit ikaw? Bakit isinuko mo si Pauline?" Tanong ko.

"Wag mong ibahin ang usupan Alex, ikaw at si Cassandra ang topic dito hindi ako." Sabi niya at uminom ng beer.

Nandito kami ngayon sa isang bar. Hindi sa Big Shift o sa Twilight Palace. Gusto namin yung panibago naman. Hays! Tapos may gig pa kami mamaya, pupunta kaya 'yun si Cass?

"Lagi ka namang iwas sa topic pag-siya ang pinag-uusapan." Sabi ko at hinawakan ang shot glass.

"Hindi sa ganon. Pero mabuti ng maka-move on tayong lahat, mukha namang maayos na siya diba?" Sabi niya at ngumiti pero alam mong smirk 'yun.

"Kung hindi ka lang talaga gago e." Sabi ko at tinap ang balikat niya.

"Alam ko, gago na kung gago pero hindi ko alam gagawin e." Sabi niya.

Napa-iling nalang ako, ganito talaga siguro ang buhay. Masyadong komplikado.

"Alam mo kung ako sayo, tinatawagan ko na si Cassandra at nakikipag-bati." Sabi niya at tumayo na sa stool.

"Pre? Pwedeng favor?" Tanong ko.

"Ano ba 'yon?" Tanong niya.

"Pwede bang ako muna ang kumanta ngayon?" Tanong ko. Ngumiti naman siya.

"Sige, kung 'yan talaga ang gusto mo." Sabi niya at tinap ako sa balikat.

Lumabas naman na ako matapos kong maubos ang iniinom kong tequila. May pag-aaralan pa akong kanta para kay Cassy, hays! Hindi ako dadalin sa mabuti nitong Pride ko. Sabi nga nila, walang mangyayari kapag hindi mo ibinaba ang panty ng babae. Geez! Saan ko naman nakuha 'yon? Damn. Nahahawa na ako sa kamanyakan ni Jin.

Nang makarating ako sa bahay namin ay nakita ko si Mom at hinalikan. Sweet ako when it becomes to my Parents. Sobra-sobra ko silang nirerespeto.

"Saan ka nag-punta hijo? Bakit amoy tequila ka?" Tanong ni Mom.

"Napa-inom lang po kasama si Justine." Sabi ko.

"Sige mag-ayos ka na." Sabi ni Mommy at umakyat na ako.

Kinuha ko naman ang laptop ko at nag-hanap ng magandang kantahin para kay Cassy mamaya. Hanggang hindi pa ako pagod sa relasyon namin hindi muna ako susuko. Hindi masamang mag-tiis.

Sorry na lang kaya ni Justine Bieber? Pwede na kaya?

Agad ko naman pinag-aralan ang kanta ni Bieber at minemorize.

It is too late now to say sorry? Cassy? Ooh. Sorry,

Cassandra's POV

Talagang siya pa ang mataas ang pride! Di man lang nagtetext at tawag. Psh!

"Okay ka lang gurl?" Tanong ni Cleofe.

"Oo. Hindi lang talaga nag-tetext si Alexander Luke Salvador." Sabi ko sa kaniya. Siya ang kasama ko ngayon dito sa Boutique ko, wala kasing magawa sa bahay kaya naman binisita ko naman ang shop ko dito sa Quezon.

"Mag-paparamdam din yun." Sabi niya at inayos ang mga requirements niya sa school.

"Si Abby?" Tanong ko.

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now