Chapter [36.1]: What's going on?

5.7K 129 36
                                    

Chapter [36]: What's going on?

Cleofe's POV

Matapos nang nangyari ay balik kami sa dati ni Jousha. Mas lalo atang tumitibay ang relasyon kapag madami kayong pinag-dadaanan.

"Baby, may gagawin lang ako sa student council room ha?" Paalam ni Jousha sa akin.

Tumango naman ako sa kaniya.

There's a time na kailangan talaga natin maging maunawain lalo na kapag alam mong madami siyang responsibilidad. Mas gusto na lang natin silang suportahan kesa hadlangan. Diba mahal mo? Pwes, magtiis ka. Iyan ang gusto ni Jousha, hindi naman siya ganoon ka-bad boy para maging irresponsable sa mga bagay na gusto niya mangyari.

"Oh, saan pupunta si Jousha?"

Sabay may umupong babae sa tabi ko. Nilingon ko naman ito at si Abby pala. I wonder kung kamusta na siya. Kung okay pa ba sila ni Jin. Kung nag-uusap ba sila. Alam kong these past few days ay hindi kami nakakapag-usap na apat. Busy kami sa kaniya-kaniyang buhay. I wonder what's going on about them.

"Sa student council lang daw." Sagot ko naman.

Tumango naman siya bilang sagot. Sinara ko naman ang notebook ko at saka hinarap siya.

"Okay ka lang?" Tanong ko.

Tumango naman ito.

"Oo naman. Bakit hindi?"

"You don't look okay. Nag-uusap ba kayo ni Jin?"

Tumingin naman siya sa akin at marahan akong tinitigan.

"I'm fine Cleofe, don't worry, hindi naman si Jin ang first love at first heartbreak ko. Makaka-move on din naman ako."

"Sabi mo 'e. Oo nga pala, may gig daw sila sa twilight palace mamaya ah." Sabi ko at inayos ang gamit ko.

"Sige, punta tayo."

Napatingin naman ako sa kaniya.

"Seryoso ka? Makikita mo si Jin doon."

Inirapan naman niya ako.

"Are you joking Cleofe? Hindi naman ako yung nagloko sa amin 'e."

"Iniisip ko lang naman ikaw."

"Alam ko, pero makikita ko naman din siya bakit hindi pa ngayon? Parehas lang din naman, nasaktan pa din naman niya ako." Sabi niya at huminga nang malalim.

Hindi ko naman napigilang yakapin siya. Malungkot ako para sa kanila. Sa ilang buwan na ang sweet-sweet nila sa isa't-isa ganito lang din pala ang ending nila.

"Ang drama niyong dalawa ha!"

Napatingin naman kami sa sumigaw. Si Cassandra at si Pauline. Napangiti ako, nagkasama muli kaming apat. Nag-wave naman ako sa kanila habang si Cassandra naman ay nagmamadaling tumakbo papalapit sa amin.

"Huwag ka ngang tumakbo!" Sigaw ni Pauline at natatawa pa.

Habang si Abigail naman ay napapailing na lang sa tigas ng ulo ni Cassandra.

"Namiss ko kayo!" Masiglang sabi ni Cassy at niyakap kami ni Abby.

"Ang clingy mo talaga." Pagmamaldita ni Abby.

"Sungit mo, kaya lagi ka iniiwan 'e." Pang-aasar naman ni Cassy sa kaniya.

"Hindi ko kasi sila deserve." Sabi naman ni Abby.

"Tama na, magkapikunan kayo niyan mamaya." Ani ni Pauline.

"Alam niyo bang namiss ko kayo?" Sabi ni Cassy.

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now