Chapter [42]: The Secret

963 30 19
                                    

Chapter [42]: The Secret

Cassandra's POV

"Class dismissed!" Sabi ng Prof. namin sa harap.

Mabilis kong niligpit ang mga gamit ko at nilagay sa bag. May pupuntahan kasi kami ngayon ni Alex. Ang sabi niya magdadate daw kami ngayon. Ewan ko ba. He become more sweet and caring for me. Hindi iyon nangyayari madalas dati. Pero ngayon ay hindi na kami ganon nag-aaway at nagkakatampuhan. Kung mayroon man, hindi na siya nakikipag talo. Minsan hinahayaan niya na lang ako isipin ang gusto ko. Minsan naman ayaw niya na lang ako sabayan sa tuwing mainit ang ulo ko o kapag masama ang pakiramdam ko.

Nitong mga nagdaang araw. Pinagisipan ko lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. Gusto kong sabihin sa kaniya ang totoo. Wala akong pakielam kung kakaawaan niya ako o magagalit siya kasi hindi ko man lang sinabi agad sa kaniya. Well, I deserved that. Kung magagalit siya. Hindi ko alam talaga alam kung anong mangyayari kapag nalaman niya.

Pero ang pinaka kinakatakot ko ay may mangyaring hindi maganda sa akin kapag nasa lamesa na ko. Magiging maayos ba ang operasyon kapag ginawa ko iyon? Natatakot akong sumugal sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Percent is just a number.

"Wow! Nagmamadali ka." Panunuya ni Jet nang makita ko siya.

I'm wearing my typical white tie neck ruched bust tiered dress and cream brown peep-toe platform t-strap stilletos. Nakalugay naman ang mahabang at wavy kong buhok. May banda naman sa ulo ko at nakaharang sa bangs ko. I smiled to him.

"May date kami ni Alex." I said.

Kinurot naman niya ako sa pisngi. Agad ko yon sinamangutan.

"Pag ikaw nakita ng pinsan mo." Sabi ko.

"Okay lang." Tapos tumawa siya.

Nilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa. Kumaway ako sa kaniya at hinayaan siyang maglakad papalayo sa akin. Naramdaman ko naman may yumapos sa aking balakang. Nakita ko si Alexander. Gwapong-gwapo. Sobrang pormado. Natural na magulo ang kaniyang buhok. He's wearing blue polo na may print sa bandang dibdib habang naka-puting t-shirt naman siya sa loob. Nilagay niya ang isang kamay sa kaniyang pantalon at nananatiling nakahawak ang kabilang kamay sa aking bewang. Niyakap ko ang braso niya at sinandal ang ulo. Nagsimula na nga kaming lumabas dalawa.

"Wala ka na gagawin?" Tanong niya.

"Wala naman na. Natapos ko naman lahat ng activity." Sagot ko.

Tumango siya. "Hindi mo ba gusto tumigil?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit ako titigil? Sayang naman. First year college pa lang tayo 'e."

"Ayon na nga 'e. Sa susunod na linggo birthday na ni Pauline. Tapos malapit na yung akin." Masaya kong sabi.

"January ka pa." Tapos tumawa siya.

Sumimangot ako. "Mabilis lang hmp."

"May gusto ka bang regalo? Tanong niya.

Umiling naman ako. "Wala. Hindi ko na kailangan ng mga materyal na bagay. Siguro yung kailangan ko ngayon ay yung hindi na nahahawakan. Tulad ng magandang kalusugan, mahabang buhay pa." Tapos ngumiti ako.

Nakita ko naman malungkot ang mata niya. Bigla akong kinabahan. Hinarap niya ako sa kaniya at dinikit ang kaniyang noo sa akin. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. Damang-dama ko ang kaniyang hininga sa aking mukha. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo ko at lalong diniin ang kaniyang mukha sa akin. Napapikit ako dahil doon. Naramdaman ko na lang ang kaniyang labi.

"I love you.." Dumilat ako.

Siya naman ang nakapikit ngayon. "So much.. Cassandra."

Nagtama ang tingin namin. Nananatiling magkalapit ang mukha naming dalawa. Napalunok ako.

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now