Chapter [43]: TO-GET-HER

1.3K 30 49
                                    

CHAPTER [43]: TO-GET-HER

Pauline's POV

Matapos namin pumunta ng tagaytay ay doon lang ako nakaramdam ng pagiging awkward sa tuwing magkikita kami ni Justine. Hindi ko maatim na kung anu-ano ang sinasabi sa akin sa harap ng barkada. Nakakainis! Dumating pa sa puntong nagselos itong si Zyre dahil sa pick up line nitong si Scott. Kahit na wala kaming pag-uusap ni Zyre tungkol sa aming dalawa. Alam kong binigyan ko siya nang ilang pag-asa para sa amin. Ako lang naman ang hindi  pa ready, ako lang naman 'yong takot muling sumugal. Natatakot sumubok ulit. I never had a boyfriend before Justine. Siya lang talaga. Kung kailan naman unang beses kong magkaroon ng boyfriend saka pa ako nasaktan nang husto. Huminga ako nang malalim at tahimik na pinaglalaruan ang ballpen sa kamay ko. Ito ang unang klase ko ngayong araw. Ito pa 'yong klase na kaklase ko sila mag-dyowa. 

Napatingin ako sa tabing upuan, walang laman iyon. Kinuha ko ang telepono sa bulsa ng bag at saka tiningnan kung may mensahe para sa akin. Wala. Wala kahit isang mensahe galing kay Zyre. Mukhang seryoso na nagtatampo iyon. Dumaan ang oras at isa-isa na nga nagpapasukan ang mga kaklase ko. Sa mga nagdaan na araw, tahimik kaming nag-eensayo ni Justine para sa aming performance mamaya sa aming extra subject. May mga oras na gusto niyang pagusapan ang tungkol sa aming dalawa. Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang iniwasan sa topic na iyon. 

Ewan ko ba! Ang tapang-tapang kong mag-aya umuwi ng Pilipinas pero hindi ko kaya na maiwanan kami ni Justine sa maliit na espasyo. Hindi ako makahinga. Dumaan ang ilang minuto saka dumami ang mga kaklase ko, napatingin ako sa aking relo na nasa pulso. Magsisimula na ang klase. Nang iangat ang paningin ko sa pintuan ay saktong pagpasok nilang dalawa ng girlfriend niya. Tahimik kong tiningnan ang dalawa. Sanay na sanay na akong makita silang magkasama pero hindi ko alam bakit bumabaliktad pa rin ang sikmura ko. Napangisi ako at iniwas na lamang ang tingin sa kanila. Nakita ko pang umikot ang mga mata ni Eunice sa akin bago maglakad sa gitna.

Mabuti nga at pumasok na ang prof namin sa subject na ito. Maayos akong umupo sa upuan. Hindi na pinansin na nasa likod ang dalawa. Tumayo ang professor sa harap at saktong pagpasok ni Kevin at Amethyst. Napatingin ako sa pintuan, hingal pa ang dalawa dahil sa pagtakbo. Nginitian ko sila. Napakamot na lang na ngumiti si Kevin. Tinapik ko ang katabing bakanteng upuan para roon sila paupuin.

"Pasok, hindi pa naman ako nagsisimula." ani guro sa harap.

"Salamat po Ma'am." tapos ay ngumiti si Kevin.

Kinuha ko naman ang bag na nakalagay doon. Si Kevin ang umupo sa tabi ko at ang pinsan niyang si Amethyst ay sa tabi niya sa kanan. Ako kasi itong nasa aisle.

"Okay, regarding sa pinagagawa kong reporting sa inyo. I will give you the time to finish and the presentation will be the next meeting. I have an important meeting today. So, please..." Ngumiti ang guro sa amin, naghiyawan ang iilan. 

"Thank you Ma'am." sabi ng isang kaklase ko.

"Walang anuman. I'm expecting you to have an outstanding performance next week." aniya bago lumabas.

"Sure po!" sigaw ng kaklase ko.

Nilingon ako ni Kevin at ngumiti. "So, ano? Okay lang ba sa inyo na gawin na natin 'to?" tapos ay sinulyapan niya sina Eunice at Justine sa likuran.

"Sige, para naman matapos na." ani Amethyst.

Ako naman ay marahan lamang na tumango. Kinuha ko ang gamit ko at saka tahimik na tumayo. Ganoon din sila. Mukhang sa library kami ngayon mag-uusap dahil gagamitin ang classroom ng susunod na klase. Magkasabay kaming lumabas ni Kevin ng classroom kasunod ang dalawang magdyowa. Ang pinsan naman ni Kevin na si Amethyst ay nahuhuli dahil may hinahanap pa siyang gamit sa kanyang bag. Tahimik akong naglalakad. May iilan naman na nagbubulungan at nagmamasid sa amin dahil nga nasa likuran ko lang ang dalawa. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

CCPP TWO: TogetherWhere stories live. Discover now