CHAPTER 7- HER turn :)

1.1M 14.9K 1.5K
                                    

CHAPTER 7- HER turn :)

BRYLE'S POV

Sa tambayan ng barkada...

"Pare, anu yan? may balak ka na bang mag bussiness ng cake?!" tanong ni Tommy 

"Si Bryle magbibusiness? Anung alam nyan dun! haha " sabat naman ni Steve

"Tae kayo! Ginamit ko yan sa plano ko kanina."  bla bla, ayun kinwento ko na sa kanila yung nangyari kanina

.

.

"Ang dame naman nito pare. Mauubos mo ba lahat to?" tanong ni Third

"Sinong may sabing ako lang kakaen nito? Kaya ko nga nilagay dito, favorite ko yan pero ang dame masyado eh kaya tulungan niyo akong kainin."

"Ayoko Bryle, nakakataba kaya ang sweets! Masisira ang katawan ko!" -Steve

"Hindi ako mahilig sa cake." -Tommy

"Ayoko ng strawberry  -____-" -Third

"Anu ba yan? Ang sarap kaya nito! Palibhasa mga wala kayong taste sa pagkaen! Ako na nga lang ang kakain nito." 

3 boxes lang ang naubos ko. Umay na ko eh, pinalagay ko na lang yung remaining 12 boxes sa refrigerator namin. Titirahin ko na lang yun bawat araw.

-----------------------------------------------------------------------------------------

 NASH's POV

Sa wakas! Friday na! Last day this week na makikita ko ang pagmumukha ng unggoy na yun!

Grabe naman kasi, biruin niyo yun, 1st week of school walang palya, talagang lage kami nagkikita! Tapos kung anu-anu pang ginagawa niya sakin! Busit! Sana naman kahit ngayong araw lang, magpahinga naman siya no? Nakakapagod narin kasi! At hindi pa ako nakakarecover sa pagbili nya ng lahat ng cake kahapon! Ugh! Ang init tuloy ng ulo ko ngayon.

.

.

.

Lunch Break na..

Hindi ko kasabay si Katie maglalunch kasi may practice pa yung group nila para dun sa play sa English subject namin eh. Ang group naman namin mamaya na daw awasan (uwian) magppraktis kaya ayun.

Oo nga pala, student assistant na ako! Okay kasi yung sweldo eh, isa pa, kay Sir Steven lang naman akong assistant! haha! Kaya nga si Katie, inggit na inggit! Nagpaalam pa nga siya kay Auntie kung pwede rin syang mag student assistant pero ang sabi lang ni Auntie ay isang malaking..

"HINDI!"

Haha! Ang baba na nga daw ng mga grades ni Katie tapos magtatrabaho pa. Kawawang Katie.

Papunta ako ngayong foodcourt tapos..

Tama ba ang nakikita ko?

Yung unggoy na yun, para siyang may pinagtataguan, pasilip silip kasi dun sa may entrance sa foodcourt. Lilingon lingon siya! haha! Akalain mo yun, may kinatatakutan din pala to.

Hmmm.

Lumapit ako dun sa may likod niya. Hindi niya ako napansin.

"Haaaaay..Gutom na ako. Bakit kasi ayaw pang umalis ng mga balyenang to sa foodcourt! Hindi pa ako nagbebreakfast eh! Gutom na gutom na ako!" narinig kong sinabi niya..balyena?

.

.

Ow..I see! haha

May nakita akong 5 na babae na ahm..matataba? As in, ang lalaki nila! Kaya nga alam kong sila ang tinutukoy nitong unggoy. Mukhang hinahanap nila tong unggoy na to! haha. Fans niya siguro? 

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon