CHAPTER 29- MEANWHILE..

793K 9.1K 898
                                    

{ S I D E S T O R Y  }

CHAPTER 29- MEANWHILE..

KATIE's POV

Anu na naman ba tong pinaplano ng Third na to?! Bakit ba ang hilig niyang kidnappin ako?! Akala ko ba hindi na niya ako papakialaman?! Akala ko hindi na kami magpapansinan?! Tapos ngayon may date daw kami?! DATE! Date na hindi naman ako pumayag! Peste! Ngayon pang bday ni Tommy! naman oh! Pero sabagay.. alam ko namang hindi ako ang gustong makasama ni Tommy eh. Sana lang mapasaya siya ni Nash.

"Hoy Third! saan mo na naman ako dadalhin?!" sigaw ko kay Third pagkaupo niya sa driver's seat

"SA PUSO KO." a-anu daw?!

"........................"

"Ahahahaha! look at your face! Wahaha! Wala ka parin talagang pinagbago Katie. Ang bilis mo parin mag blush! wahaha!" ang saya naman ata nitong isang to ngayon?! parang nung huli kaming magkita emo to eh.. =___=

"Heh! wala akong panahong makipaglokohan sayo Third! Palabasin mo na ko dito sa kotse! Wuwi na ko sa bahay!" bubuksan ko na sana yung pinto kaso hinawakan ako ni Third ng mahigpit sa braso ko.. PSH!

"Walang uwi-uwi Katie. Hindi na kita pakakawalan. Kung ayaw mong mahalikan katulad nung dati, manahimik ka at sumunod sakin.. intindi?!"

At dahil sa alam kong hindi siya nagbibiro, baka mamaya halikan na naman ako nito.. eh tumahimik na nga po ako. Haay.. kahit kailan talaga lage akong talo sa kanya. Nagagawa niya akong pasunurin lage!

.

.

After ilang minutes ng byahe.. Tumigil ang sasakyan sa isang park..

Teka..

Eto yung park na madalas naming puntahan ni Third noon! Kada uwian namin from school dati, dadaan muna kami dito at maglalaro.. maghahabulan, kakaen at kung anu anu pa..

"Baba na .. ang bagal! =___=" hindi ko namalayan nakababa na pala si Third ng kotse tapos ay hinigit niya ako bigla palabas.. ang hilig talaga nitong mangaladkad! 

"Hoy Third, anu bang ginagawa natin dito?! Hindi nga sabi ako pumapayag na makipag date sayo!" sigaw ko sa kanya habang nagpupumiglas ako sa kanya

"Anu naman kung hindi ka pumapayag?! I'm not asking your permission, I'm forcing you. Sapilitan to, hindi ba obvious?! slow talaga neto.. =__=" 

"Diba sabi mo sakin pipilitin mong mawala na lang sa buhay ko? Diba pinangako mo yun?! anu ng nangyari dun sa mga sinabi mo huh?! bakit ganito ka ngayon?!"

"Eh sa hindi ko pala kaya eh. Nagbago bigla isip ko.. so, sorry ka na lang." so ganun lang yun?! nagbago lang ang isip niya bigla?! akala ko pa naman talagang serious sya! Haup na Third na to!

"Arggggggggg! bwisit ka talaga! Hindi ako papayag makipagdate sayo!" pagsigaw ko nun kinagat ko yung kamay niyang nakahawak sakin dahilan para mabitawan niya ako

"Aray! ang brutal mo talaga kahit kelan Katie! Para tong aso eh! aray!" daing niya habang hinihipan yung kamay niyang kinagat ko.. ahaha..

Naalala ko tuloy bigla nung bata pa kami, madalas din ako nun kinakaladkad ni Third kasi ang bagal ko daw maglakad. Tapos dahil sa naiinis ako sa pagkaladkad niya sakin, madalas ko siyang nakakagat, at yung reaction niya ngayon, ganung ganun parin katulad nung dati. Nakakamiss din pala.

Heh! anu ba tong sinasabi ko! erase! Galit ako sa kanya! Hindi ko siya namimiss!

" Buti nga sayo! bbye to you!!! :PPPP" bineletan ko siya tapos nagtatakbo na ako

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon