CHAPTER 10- THE MORNING AFTER

1.1M 16.2K 5.5K
                                    

CHAPTER 10- THE MORNING AFTER

NASH's POV

O.--

*kusot kusot ng mata

*tingin sa paligid

Hmmm..Madilim pa pala, so maaga pa pala. Wala namang pasok ngayon, Sabado, kaya makatulog na lang ulit!

Hinigpitan ko pa ang yakap ko kay Mr. Cottonbuds  (si Mr. Cottonbuds yung life size teddy bear na bigay sakin ni dad nung 11th bday ko)

.

.

.

?

"Mr. Cottnonbuds, pumapayat ka ata?! tsaka parang medyo tumigas ka." nakapikit ako habang sinsabi yan, antok pa eh. Well as if naman sasagot sya daba? haha..stuff toy nga eh! 

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko tapos nirub ko yung back nya, anlamig kasi eh!

"Mr. Cottonbuds, nilabhan ka ba ni Auntie? para kasing nag iba yung amoy mo! Mabango ka parin pero iba talaga eh."  inamoy amoy ko sya. Ang bango eh! Hindi naman ganito yung amoy niya dati, mas mabango ngayon.

"Hay nako Mr. Cottonbuds, ayaw mo naman sumagot eh! Matulog na nga lang tayo."

"Sige tulog na lang tayo. " O__O?!

Ay pusa! Sumagot nga?! Na-nagsalita sya? Stuff toy na nagsasalita?!

"M-mr. Co-cottonbuds nagsasalita ka?! Na-nagbibiro lang naman ako eh." baka naman naghahallucinate lang ako! as if magsasalita ang teddy bear! haha

"Matulog na lang kasi tayo! Ang ingay mo naman eh!" tapos humigpit yung yakap niya sakin

"Waaaaaaaaaah!"  tinulak ko siya!

Nagsasalita at gumagalaw na stuff toy! Kailan pa natutong mag hug back ang teddy bear?! Kailan pa natutong magsalita ang teddy bear?! Creepy! Siguro sinapian sya ng kung anung spirit! Yung parang kay Chuckie, alam niyo yun? Hindi yung inumin na chuckie huh?! Yung nakakatakot na doll na sinapian ng kaluluwa ng isang murderer! Ganun!

.

.

"Aray ko! Anu bang problema mo?! Ang sakit huh?! "

waaaaaaaaah! Ayan na naman siya! Nagsalita na naman siya! Kung sino man tong kaluluwang sumapi kay mr. cottonbuds ko, hindi ako natatakot sa kanya! Layuan niya si Mr. Cottonbuds!

Medyo maliwanag na ng konti kaya naaaninag ko na sya. Pumayat talaga si Mr. Cottonbuds! Siguro dahil dito sa masamang espirito na to!

niform ko na parang cross yung daliri ng mga kamay ko, alam niyo na naman siguro ang itsura nun no?!

"Kung sino ka mang masamang espirito ka, lumayas ka sa katawan ng teddy bear ko! Hindi ako natatakot sayo! Our father who art in heaven holy be thy--" ayun nagdasal na ako, ganito kasi ginagawa nung mga pari na nageexorcist sa mga movies na napapanuod ko!

tuloy parin ako sa pagdadasal..

palapit siya ng palapit sakin! gumagapang siya! uwaaa!

Nilakasan ko pa ang pagdadasal ko!

Tapos naririnig ko sya sinasabayan ako sa pagdadasal! Uwaaaaah! 

Hindi ko na alam ang gagawin ko! Hindi effective ang dasal ko!

Ayan na sya! ayan na sya! Hahawakan na niya ako!

pumikit na lang ako..

"Kyaaaaaaaah!" sigaw ko

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon