CHAPTER 55- GoSsip.

728K 8.9K 1.3K
                                    

CHAPTER 55-  GoSsip.

STEVE's POV

"Hoy anung nangyari dyan sa mukha mo?" tanong sakin ni Bryle

"Tinanong mo pa pre, malamang nang agaw na naman yan ng babae ng may babae haha. Mukhang mamaw ang syota ngayon ng babaeng kinalantaryo mo ah Steve?!" -Third

"Maka sabi ka naman ng "kinalantaryo" huh Third?! best friend nga kita no? Litsi -_____-" sabay upo ko na dun sa sofa

Nandito kami ngayon sa tambayan. Foundation week na eh, kaya one week na walang klase. Puro labanan lang ng sports tsaka mga booths.

"Nagiging weak ka na ata. To think na ganyan naging itsura mo. Anu ba naman? Nakakahiya ka." -Bryle

"Anung weak? nagpabugbog lang talaga ako no. Kung ginusto kong lumaban, ni hindi man lang ako nagalusan nung kalaban ko no tch!"

"Wushu mga palusot mo Mervin Steve Folkner -____-" -Third

"Wag ng pansinin yan.. lahoy.. =_____= " -Bryle

Tapos tumingin na lang silang dalwa ni Third dun sa laptop ni Bryle. Gago talaga tong dalwang to! Totoo naman ang sinasabi ko eh! Nagpabugbog naman talaga ako.

Naalala niyo yung kadate ni Witch?! Yung kapre? Dapat kasi susundan nun si Witch pero sinuntok ko siya para ako ang makaunang pumunta kay Witch. Tulog nun yung gago pero pagtapos namin mag usap ni Witch.. (a conversation na ayoko ng maalala), eh sumulpot na yung kapre.. Tas syempre ayun nag aya ng makipag suntukan yung gago.

*FLASHBACK

"Nasan na si Stacy?! tsaka bakit mo ako sinuntok huh?" -Kapre

"Akalain mong nakatayo ka pa pagtapos kitang masuntok?!"

"Ang yabang mo talaga no! Sabi ko asan na si Stacy?!"

"Tch.. Umalis na.. pinaalis ko na.."

"Bakit mo ginawa yun?! eh gago ka pala talaga e--" susuntukin na sana ako nung kapre kaso, lelang niya, masyado syang mabagal kaya nahawakan ko yung kamao niya. Ang laki laking tao, weak.

"Hoy Jake Salvador, akala mo ba hindi ko alam na tuta ka ng magaling kong pinsan na si Stephen huh? Sabihin mo dyan sa weak kong pinsan, sa susunod, kung gusto niyang maka isa sakin, magpadala sya ng mas magaling galing naman sayo, o di kaya naman, siya na mismo ang ipadala niya. Ay teka, eh kahit pala siya mismo ang rumesbak sakin eh talo parin sya! hahaha!"

"Bawiin mo ang sinabi mo!"  tinuhod niya ako sa may sikmura

"May ibubuga ka rin naman pala kahit papano, kaso, wala pa ding kwenta, nagvivitamins ka ba?!" sabi ko pa. Natural lalong nag init ang ulo niya at sumugod na siya sakin.. pero hindi na ako lumaban.

Ang totoo, sinadya kong galitin sya para bugbugin niya ako. Iniisip ko kasi, tama lang na mabugbog ako. Sa tuwing maaalala ko yung itsura ni Witch pagtapos ng mga sinabi ko.. kahit ako mismo, gugustuhin kong bugbugin ang sarili ko.

"Ano bakit di ka lumalaban Folkner?! nasaktan ka na sa suntok ko no?!"

*boogsh sabay suntok pa niya sakin

"Su-suntok na ba tawag mo dito? haha.." sabi ko habang tumatayo mula sa pagkakalagpak

"Aba at talagang hinahamon mo ko huh?!"

*boogsh, suntok na naman

*END OF FLASHBACK

Yun nga ang nangyari kaya mukha akong punching bag ngayon. Tapos ayaw naman akong paniwalaan ng dalwang ugok na to.. tch..

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon