CHAPTER 17- A DAY WITH THE TWO OF THEM?! < (O.o) >

1M 13.4K 5.1K
                                    

CHAPTER 17- A DAY WITH THE TWO OF THEM?!  < (O.o) >

BRYLE's POV

Ang sakit ng ulo ko ah?!

*mulat..

Nasa kwarto na ako?!

Teka, nu nga bang nangyari?!

O___O!

Oh.. I remember seeing Nami almost getting hit by my car! 

Actually muntik na akong atakihin sa puso nun! Hindi ko alam ang gagawin ko kung nabangga siya. Bobong babae talagang yun! papatayin ako sa takot eh!

Oo, natakot talaga ako ng sobra nung mga oras na yun. Ang balak ko lang naman kasi talaga dadaanan ko siya tapos ipapabalik ko yung kotse at isasakay na siya tapos ok na kami. Kaso, akalain mo ba namang humarang bigla sa daan?! king inang babae talaga!

Kaya naman sobra akong na relieve nung hindi siya nabangga. May nasabi pa nga akong hindi ko dapat sinabi.. dammit! Bakit ba lumabas yun sa bibig ko?! bakit?!

Am I really that afraid of losing her?! Why am I afraid in the first place?! sino ba sya para sakin?!

Haaaaay, nakakapagod isipin ang sagot sa mga tanong na yan. Honestly kahit anung gawin ko, hindi ko mahanap ang sagot at ayoko ring mahanap ang sagot so I'll just let it be. Kung anu man tong nararamdaman ko, hahayaan ko na lang, hindi ko na aalamin. Natatakot ako sa pwede kong malaman. Ayoko ng pakiramdam na to.

Teka, speaking of Nami, nasaan na siya?! I remember hugging her then..

Teka! Niyakap ko sya?!

What the?! bakit?! Haaaaaaay! nakakahiya na ang mga pinag gagagawa ko! Siguro nahilo lang ako.. tama, masama na ang pakiramdam ko nun eh. Siguro I hugged her para may sumuporta sakin. Yeah...merely just because of that! It's not as if I really wanted to hug her right?! why would I?!

.

.

Bumangong ako sa kama ko, maiihi na ako eh..

.

.

*lakad lak--

Huh?! 

Anu yung something na nasa may paanan ng kama ko?! 

.

.

*balik

"Ahahahaha! akala ko aso!"

Nakakatawa kasi nakita ko si Nami, nakahiga sa sahig! takte! Ahahaha! Ang sama pa ng pwesto! nakadapa! Tapos nakaside lang yung mukha! tae, tulo pa ang laway! Ang tanga talaga neto! hooo! iba to! May sofa naman sa kwarto, pwede naman dun sya matulog ah?! Bakit sa sahig pa?! wala pang unan! pagkatanga nga naman oo! ahahaha

.

.

Umihi lang muna ako pagkatapos bumalik na ulit ako sa kanya.

Nandito lang ako sa may sahig, nakaupo na parang natae, alam niyo yung ganung upo diba? pero hindi ako natae huh! Pinagmamasdan ko lang si Nami! Haha.. nakakatawa kasi!

Ay teka, haha.. 

Kinuha ko yung cellphone ko tapos, pinicturan ko siya!

Haha! Mukha siyang ewan sa picture. Kitang kita na tulo laway! nyaha! Pang asar ko na naman to sa kanya! May video na ako ng nagsasayaw siya, ngayon naman picture ng tulog sa sahig tapos tulo ang laway! nayahahahahaha..laftrip!

Pagkatapos ko siyang picturan, wala na akong magawa, pinagmasdan ko lang siya..

Napansin kong parang nilalamig siya. Nakaside view na ang higa niya ngayon. Gusto ko man siyang buhatin kaso, baka magising siya. Isa pa, nanghihina pa ako eh. Hindi ko pa siya kayang buhatin, tababoy pa naman to.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon