CHAPTER 11- BAD THINGS HAPPEN FOR A REASON

1M 15K 1.7K
                                    

 TNX TLGA SA COMMENTS AND VOTES ATE!  KAYA DEDICATE KO TO SAYO! LUV LOTS :*

CHAPTER 11- BAD THINGS HAPPEN FOR A REASON

NASH's POV

Nagsimula ng magkalkal si auntie ng gamit..

Una kaming pumunta sa kwarto ni Stacy..

.

.

Hanap sa drawers, sa ilalim ng higaan at mga unan. Sa mga bags at lahat ng posibleng pagtaguan pero wala eh.

.

.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa kwarto namin ni Katie.

"Ma, baka naman may magnanakaw na nakapasok sa kwarto niyo?! Kailangan pa ba talagang halughugin yung kwarto namin?!" tanong ni Katie

"Imposible, nakalock yung dalawang pinto ng bahay." sabi ni auntie

"Baka naman ikaw ang kumuha Katie kaya ayaw mong papuntahin si ma sa kwarto niyo!" sabat naman nitong si Stacy

"Heh! hindi ko ma--" -Katie

"Tumigil na nga kayo dyan. Maghanap na lang tayo. Mag aaway na naman kayong dalawa dyan eh!" ayun nasigawan sila ni auntie. Ako naman tahimik lang.

Pumasok na kami sa kwarto.. Hanap dito..Hanap dun..

Pero wala din silang makita..

"See? ma wala talaga dito!" sigaw ni Katie na pawis na pawis na sa kakahanap

tapos biglang may nahulog na bag sa may pwesto ni Stacy

AT BAG KO YUN..

pero kanina lang nasa may study table yun ah?! pano napapunta sa may kama?!

Pinulot ni auntie yung bag ko.. Tapos..

Tumingin sya sakin..

"Auntie ano po? bakit p--"

*sampal

si-sinampal ako bigla ni auntie!

ANG SAKIT! pero wala yung sakit sa panlabas eh..mas MASAKIT sa dibdib..sa PUSO..

Ngayon lang kasi ako napagbuhatan ni auntie ng kamay. Natulala tuloy ako. Hawak hawak ko lang yung pisngi ko.

"Nash! Wala kang utang na loob! Tinuring ka namin na parang pamilya! Pinatuloy! Pinakaen! Binihisan! at mi-MINAHAL, tapos ganito ang igaganti mo samin? Sinira mo ang tiwala ko sayo Nash! Sinira mo! " napaupo na lang si auntie sa may kama, kita ko sa mata niya ang sobrang pagkadismaya..

"Pero ma, teka lang! Paano kung plano pala to ni Stacy?! Galit sya kay Nash! yung bag na yan kanina nasa study table pero ngay--" di na natapos ni Katie ang sasabihin niya (so napansin din pala niya?)

"Manahimik ka Katie! talagang pagtatakpan mo yang si Nash huh?! at handa kang pagbintangan ang kapatid mo para lang mapagtakpan siya?! Tandaan mo, si Stacy ang kapatid mo! baka nakakalimutan mo!" 

"Pero Ma! kilala ko talaga si Nash! Hindi niya magagawa yang binibintang niyo!" -sagot pa ni Katie

Ngayon lang sya sumagot kay auntie, ako pa ata ang dahilan kung bakit sila mag-aaway. Naiiyak na ako.

"At sa tingin mo si Stacy magagawa yun? Anu bang pinakaen sayo ng Nash na yan at mas kinakampihan mo siya? Nakuha mo ng sumagot sakin ngayon! Sa kanya mo rin ba yan natutunan?!" galit na si auntie..ngayon ko lang siya nakitang ganyan..

"Pero ma--"

"Tama na Katie! Wa-wag ka ng makipag away pa sa mama mo para lang sakin. Aalis nlng ako para sa ikabubuti ng lahat.." napatungo ako pagkatapos sabihin yun, ayoko kasing makita pa ako ni Katie na umiiyak

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon