CHAPTER 30- COUNTER ATTACK

859K 10.3K 4.1K
                                    

CHAPTER 30- COUNTER ATTACK

NASH's POV

Tinanghale ako ng gising kaya absent ako.Puyat eh! Tapos hindi naman ako nakapag alarm. Pag alis kasi ni Bryle nakatulog ulit ako eh. Ang sarap kasi matulog.

Si Bryle kaya?! Pumasok kaya yung lalaking yun?! hmm. Adik adik din yun kagabi eh. Wahaha! Nag ala Tsuna ba naman?!

*napatingin ako sa salamin dun sa kwarto ko

=____=

Pinagtatawanan ko si Bryle eh ako nga pala nakasuot pa ng costume ni Chrome! Anu ba yan! Natanggal na yung wig eh. Mukha na akong ewan.

Nagshower na lang ako.

Pagkatapos nun, nagluto na ako ng almusal slash tanghalian ko. Sabay na ang breakfast at lunch ko since it's already 2pm. Masyado kasi akong napagod sa date namin ni Tommy eh. Ay! speaking of which, ewan ko ba pero parang kinakabahan akong makita si Tommy. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin! Tapos kailangan ko pa ding sabihin kay Katie ang lahat. Nawala kasi sa isip ko si Katie nung pumayag akong magpaligaw kay Tommy! Kasi naman eh! Nadala ako ng pagkainis ko kay Bryle.. tsaka isa pa, wala rin naman kasi akong choice eh. Hays..anu kayang magiging reaksyon ni Katie?!

Haaaaaay.. umagang umaga problema agad ang iniisip ko! Anu ba yan! Makapag focus na nga lang dun sa written report namin! Kailangan ko ng matapos yun.

Pagkatapos kong kumaen since wala naman akong laptop para dun itype yung written report eh naisipan kong lumabas ng condo para maghanap ng computershop. I know meron namang computers na pwedeng irent dito sa condominium nila Bryle but hell, 20 pesos per minute?! waaaaah! ilang fishballs narin ang mabibili ko dun no!

*lakad lakad lak--

"Nash! saan ka pupunta?!" paglabas ko ng pinto nakita ko si Chef Tj na papasok palang sa condo niya

"Ah magcocomputer lang ako sa labas Chef Tj, meron kasi akong kailangang tapusing written report.."

"Bakit lalabas ka pa?!"

"Wala kasi akong laptop eh.. tapos ang mahal naman ng rent dito.. hehe.. kuripot ako eh.."

"Ganun ba?! wait, kung gusto mo laptop ko na lang ang gamitin mo."

"Huh?! nako wag na Chef! Nakakahiya naman sayo.."

"I insist.. isa pa wala naman akong gagawin today so baka matulungan pa kita sa written report mo.. about san ba yan?!"

"Ah about different Asian Cuisines.."

"Oh tamang tama! matutulungan talaga kita! tapos ipapatikim ko sayo yung bagong dish na naluto ko."

"Nako sige na nga! May pagkaen pala eh! Hindi ako tumatanggi sa grasya Chef! haha! Siguraduhin mo lang na masarap yan huh!"

"Makakalimutan mo si Bryle pag natikman mo yung luto ko."

"Hahaha.. si Bryle talaga dapat agad ang makalimutan no?! Hindi ba dapat pangalan ko muna ?!"

"Si Bryle ang gusto kong makalimutan mo.. para ako na lang ang matandaan mo." e-eh?

"Hahaha! si Chef talaga lage na lang bumabanat! Haha! Sabi ko naman kasi sayo hindi mo na kailangan mag cheesy lines eh.. gwapo ka na."

"But I'm not saying chees-- nah forget it! tara na lang sa loob. Simulan na natin yang written report mo.."

"Ok para makakaen narin ako ng luto mo! miss ko na yun eh!"

"Yung luto ko lang ang miss mo?!"

"Syempre pati ikaw!"

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon