CHAPTER 57- COLD as YOU.

675K 8.7K 1.6K
                                    

CHAPTER 57- COLD as YOU.

NASH's POV

"Nash saglit, gusto mo bang samahan pa kit--"

"Hindi na Third. Bumalik ka na dun sa party. Debut yun ng girlfriend mo anu ka ba?! Ayos lang ako! Sige na, salamat Third!" sabi ko sabay baba na sa kotse ni Third

Pagbaba ko talagang nagtatakbo na ako papasok sa mansion nila Bryle. Pag pasok ko nakasalubong ko agad si lolo Bernard.

"Nami! Buti nakarating ka na, puntahan mo na si Bryle please!" -lolo Bernard na mukhang talagang alalang ala

"O-opo, sige po, tara na po!" sa pagmamadali ko, hinigit ko na si Lolo Bernard eh

*taktbo takbo takbo

Sa wakas nakarating rin kami sa kwarto ni Bryle..

Medyo natigilan ako pagkarating ko dun sa may pinto.. Medyo natatakot pa ako sa pwede kong makita pero.. Bahala na talaga!

*tok tok tok

"Bryle! ako to! Si Nami to! Bryle!" sigaw ko pero walang nagbubukas ng pinto

Nilapit ko ang tenga ko sa pinto para marinig kung nagwawala pa ba sya tulad ng sabi ni Lolo Bernard pero tahimik na sa loob. May naririnig akong tumutunog, parang t.v.

"Bryle.. buksan mo naman yung pinto oh! Bryle!"

*tok tok tok tok

"Nami, eto ang susi nung kwarto niya oh. Buksan mo na lang, talagang nag aalala na ako sa batang yan eh. Ikaw na lang ang pumasok sa loob, sa tingin ko kasi sayo lang makikinig si Bryle eh. Sige Nami huh, ikaw na bahala kay Bryle." -lolo Bernard

"O-opo." sagot ko kahit hindi ako sigurado kung makikinig nga ba talaga si Bryle sakin pero.. hindi ko naman sya pwedeng iwan lang.

.

.

Medyo nanginginig pa yung kamay ko habang dahan dahan kong binubuksan yung pinto.. at pag bukas ko..

Nanlaki na lang ang mata ko at napahawak na lang ako sa bibig ko ng makita ko ang itsura ng kwarto ni Bryle.. pati narin si Bryle..

Sira sira lahat ng gamit niya. Basag yung mga frame na nakasabit sa dingding. Yung lampshade sira din. Basag din yung malaking salamin. Lahat halos ng gamit na makikita mo sira. Yung sofa nakataob.. tapos..

Tapos si Bryle naka upo sa carpet habang nakasandal sa pader, nakaharap sya sa t.v. pero naka tungo sya habang may hawak hawak na bote ng alak.

Parang dinudurog yung puso ko habang papalapit sa kanya..

Paglapit ko..

Nakita ko pa yung kamay niya na dumudugo nga.. tapos.. yung pisngi niya.. basa. May tumutulong luha sa mata nya pero nakapikit sya. Siguro nakatulog narin sya dahil sa kalasingan.

Naiiyak na lang din ako habang pinupunasan ko yung luha niya.

Tapos nung mapatingin ako sa kung anung mga nakakalat dun sa carpet na nakapalibot kay Bryle..

Parang biniyak yung puso ko..

Kasi alam niyo kung anu yung mga nakakalat?!

Pictures..

Pictures ni Bryle at ni.. ni Elida. Oo, pictures nilang dalawa. Sobrang dami.

Pero ang masakit, kung titingnan mo yung mga pictures, mukhang ang saya saya ni Bryle. Mukhang mahal na mahal niya talaga si Elida kahit sa pictures mo lang tingnan.

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon