CHAPTER 58: SAVE YOU TONIGHT

692K 9.1K 1.5K
                                    

CHAPTER 58: SAVE YOU TONIGHT

AUTHOR's POV

(Third person's POV po ito)

Imbis na sundin ang utos ni Bryle, mas pinili ni Third na puntahan si Nash dahil nga masyado syang nabobothered sa mga inaasta ni Bryle. Hindi siya mapalagay. Gusto niyang malaman kung bakit bigla na lang bumalik sa dati si Bryle.

Hinihingal pa si Third ng dumating sya sa booth nila Nash. Nagulat nga si Katie sa itsura ni Third dahil halata mong tumakbo pa talaga ito.

"Hubby, bakit ka hinihingal huh?! may problema ba?!" -Katie, pero imbis na sumagot si Third ay isang tanong din ang lumabas sa bibig niya..

"Nasaan si Nash wifey?!"

"Huh?! ah-- ayun oh, nandun sa may field, manonood daw muna sya ng laban ng volleyball." 

Medyo naguguluhan na si Katie. Iniisip niya kung bakit bigla na lang hinahanap ni Third si Nash pero hindi na sya nagtanong.

"Tara dun wifey, samahan mo ako." sabay hinigit na ni Third si Katie papunta sa kung nasaan si Nash

Naguguluhan man si Katie eh sumama narin siya. Medyo nag aalala nga din siya kay Nash. Actually kanina niya pang napapansin na may kakaiba sa mga kinikilos nito.

.

.

Pag dating nila Third sa kung nasaan si Nash, nadatnan nila itong sumisigaw at nagchicheer dun sa naglalaro ng volleyball.

"Go number 15! sige.. tira! sige.. yeah! weee! ang galing mo! wooo!" -Nash

Masaya at super energetic ang appearance ni Nash sa panlabas. Most of the people around her aakalaing masaya sya pero para sa mga taong malapit sa kanya, katulad ni Katie at Third, alam nilang may mali rito.

"Nash."  tawag ni Third kay Nash dahilan para mapalingon ito sa kanila

"Oh Third! Katie! Manonood din kayo?! tara bilis! Samahan niyo kong magcheer! Para kasi akong ewan dito ako lang ang nasigaw! hahahahaha! para akong tanga no? hahahaha! hahahaha!"

Sa isip isip nila Katie at Third..

"Bakit pinipilit niyang umarteng masaya siya?! eh halata namang pilit lang yung tawa niya. Anu ba talagang nangyari sa kaniya?! sa kanila ni Bryle?!"  yan ang tumatakbo sa isip nila

May kung anung kumukurot sa puso nila habang pinagmamasdan si Nash ngayon.

"Oh anu?! Bakit ganyan kayo makatingin sakin?! Parang ewan tong dalawang to! Haha! Tara na-- te-teka! Hoy saan niyo ba ako dadalhin na dalawa huh?! Manonood pa ako eh! Anu bang ginagawa niyo?" nabigla na lang si Nash kasi bigla ba namang hinawakan ni Third at Katie ang magkabilang braso niya sabay hinigit sya nung dalawa

Hindi na lang umimik si Third at Katie, basta na lang nila hinigit si Nash sa isang lugar kung saan pwede nila itong makausap ng masinsinan.

.

.

"Oh bakit niyo ko dinala dito?! Ang k.j. niyo namang dalawa oh! Nanunuood pa ng volleyball yung tao! naman oh!" -Nash na nakaupo ngayon sa study area

Walang mga studyante sa parteng to dahil nga puro nasa mga booths and nanonood ng mga sports events.

"Nash, tama na nga yan. Wag mo na kaming lokohin." straight to the point na saad ni Katie, kilalang kilala na niya si Nash kaya medyo naiinis sya kasi ganto pa ang inaasta ni Nash sa harap niya

"A-anu bang sinasabi mo Kat--"

"Maglolokohan pa ba tayo dito Nash?! Kung malungkot ka, hindi mo na kailangan magpanggap na masaya ka. Kasi the more na pinipilit mong magpanggap na masaya ka, the more na mas nagiging awkward tingnan ang mga kinikilos mo." -Third

GIRLFRIEND FOR HIRE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon