adbays ni otor / iponing tips

1.9K 107 28
                                    

Reminder: naupdate ko na ho yung chapter 16, sadyang nagloloko lang yung wattpad kaya hindi lumalabas na naupdate ko na. Ayos na siya ngayon, pwede niyo ng basahin hihi.

MAGANDANG ARAW MADLANG PIPOL!

Maganda nga ba?

Ako? Oo maganda ako, pero yung araw na ito, maganda ba?

Inannounce lang naman kasi ni Inang Reyna na sa July 30, concert na ng Bangtan dito sa Pilipinas, ang Perlas ng Silanganan.

OO, PILIPINAS, BANSA NATIN YUN MGA TOL!

Eh otor wala pa akong pera!

Wala pa akong golds! Elixir lang!

I feel you all. Alam ko yung feeling na gipit na gipit ka na tapos biglang yung lecheng KPOP group na kinakaadikan mo, naisipan na bumisita sa bansa mo. Wow, galing.

Kaya nandito ako, ang nagiisang dyosa, ang inyong eonnie na asawa ni Jimin, na magbibigay ng iponing tips.

(Maguupdate ako, don't worry.)

1. Huwag kumain.

Mahirap man kalaban ang gutom, pero kailangan mong tiisin. Oh, isipin mo, kapag binigyan ka ng baon ng nanay mo, tapos hindi ko ginastos. Edi ka-ching, you got money na.

Otor, hindi kaya kami mamatay sa gutom nun?

Easy! Gayahin niyo ako, kapalan niyo mukha niyo. Magpalibre ka na lang sa mga kaibigan mo. Basic.

Oh kaya naman, imbes na gastusin mo lahat ng pera mo sa pagkain, yung kalahati na lang. Palibhasa kasi patay gutom ka, dejoke lang.

2. Pigilan ang tukso.

Wow! KPOP merch ba yun?

OPS OPS OPS!

Hoy iha, bibili ka na naman ba ng bente pesos na poster ng Bangtan, samantalang marami ka ng ganyan? Hindi ka ba nagsasawa sa mukha nila?

Dejoke lang.

PIGILAN MONG GUMASTOS!

Isipin mo na lang, lahat ng sakripisyo mo, kung kapalit naman nun eh makita ang bias mo sa personal.

Plano ko kasing makita si Jimin tapos babatukan ko sabay sigaw "PANDAK KA!"

3. Ang tatlong M's. Magmakaawa, Magdrama, Magsipag.

Gawa ka ng script, magdrama ka sa harapan ng magulang mo para bilhan ka ng ticket.

Kunwari..

Ma, Pa. Buntis ho ako! Kailangan po namin ng pera panggastos sa bata!

Ha?! Sino ang ama?!

Uhm..ano..miracle baby, hehe.

Basta ganon!

Dejoke lang, wag naman kayo magsinungaling, sige ka hahaba ilong mo, magaya ka kay Jungkook.

Ay, malaki pala sa kanya.

Magdrama.

Kung kailangan mong umiyak, go! Dejoke, ikaw bahala kung paano mo ikukumbinse yang magulang mo.

Magsipag.

Ibang sipag ata yung nasa isip mo eh, pwe.

Magsipag..mag-aral. Malay mo pag tumaas grades mo, bilhan ka ng ticket. Hindi lang naman para sa tickets yun, para sayo din.

WOW EONNIE SO INFIRATIONAL NAIIYAK AKO INFIRES MAN

4. Ibenta ang kidney.

Wala ka ng choice eh.

5. Mangupit sa wallet ng nanay mo.

Pasimple lang ha, wag kang papahuli. Mabibisto ka.

JOKE LANG HAHAHA!

6. Singilin ang ninang at ninong.

Mayaman yung mga yun, singilin mo hanggang may oras pa.

7. Magdasal.

Oh last na, kung wala na talagang pag-asa. Nandyan naman si Lord. Siya na lang pag-asa mo.

BLESS ME.

Malay mo may himalang mangyari, tumangkad na si Jimin--ay dejoke. Malay mo pagpalain ka ni Lord at biyayaan ka ng ticket.

INFIRES

Oh ayan. Nabigyan ko na kayo ng tips.

Yung iba diyan joke lang, baka gawin niyo talaga at baka ako pa ang maging responsable sa pagkasira ng buhay niyo.

Basta ang masasabi ko lang, GOODLUCK! Sana lahat tayo makapunta sa concert. Although hindi pa naman sure kung sa July 30 yung mismong concert o bentahan pa lang ng tickets, basta..

MAGIPON KA NA.

Nagmamahal,

Dyosang asawa ni Jimin.

burger | jiminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon