epilogue

2K 131 84
                                    

Author's POV

Kalahating oras ng nakatayo si Jimin at nakatingin lang sa bintana ng kwarto niya. Nakatulala at maraming bagay ang dumadaan sa isipan niya ngayon.

Simula ng nangyari iyon, lagi na siyang wala sa sarili niya.

Hanggang ngayon, malungkot pa rin siya kahit isang linggo na ang nakalipas.

Biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto, dahilan para magulat siya. Pero wala siyang lakas para tignan kung sino man ang pumasok.

"JM.." Ang tatay niya pala. Napakagat ng labi si Jimin at tinignan ang ama niya.

"Yes, dad?"

"Usap nga tayo."

Hindi napigilan ni Jimin na kabahan. Huling beses na gusto siyang makausap ng tatay ay yung nalaman niyang nagcutting si Jimin.

Umupo ang tatay niya sa dulo ng kama ng anak niya. Sumunod naman si Jimin.

"Sabihin mo sa akin yung nararamdaman mo ngayon."

"P-po?" Naguguluhan si Jimin pero sinunod niya pa rin. Umubo muna siya at tumingin sa pader.

"Malungkot po."

"Bakit?" Tanong ng tatay niya. Alam ng tatay niya kung bakit, sadyang gusto niya lang na manggaling mismo sa anak niya.

"K-kay Kyuri po." Pinaglaruan ni Jimin yung mga kamay niya. Pinipigilan na umiyak.

Ipinatong ng tatay niya ang kamay nito sa balikat ng anak niya, sinusubukang i-comfort.

"Babalik naman siya eh." Sabi ng kanyang tatay, tinakpan ni Jimin ang mukha niya at tumango tango na lang.

"Huwag mo na lang isipin yung pag-alis niya, dapat masaya ka ngayon. Pumayag nga siyang magpakasal sa'yo eh."

Oo. Oo ang sagot ni Kyuri sa tanong ni Jimin na "Will you marry me?". Medyo hindi nga lang direktang sinabi ni Kyuri. Medyo nag-alinlangan pa nga.

"Pero Dad, bakit niya kailangang bumalik ng Canada?" Sabi ni Jimin na nagddrama.

"Babalik naman siya after 3 months, diba?"

Umalis kasi si Kyuri ng walang paalam. Biglaan kasi ang pagbalik nila sa Canada. Nag-iwan siya ng letter para kay Jimin, sabi niya babalik daw siya after 3 months. Dahilan para malungkot si Jimin.

Nami-miss niya na kasi. Saktong pagp-planuhan pa naman sana yung kasal nila.

"Simula nung umalis siya, hindi ko na siya naka-usap. Hindi man lang siya tumatawag. Paano kung iwan niya ako?" Nappraning na naman si Jimin.

Paano kung ayaw niya talagang magpakasal sa akin? Hindi niya lang masabi kaya umalis na lang siya. Paano kung hindi na siya bumalik? Paano kung iniwanan niya na pala ako? Pinuno ng katanungan ang isipan ni Jimin. Paano nga kung totoo ang naiisip niya?

Paano kung ayaw na ni Kyuri?

Parang bumalik sa pagkabata si Jimin, binantayan siya ng tatay niya hanggang sa makatulog siya.

Pagkagising niya, kadiliman lang ang nakita niya. Mas gusto niya to. Mas makakapag-isip siya.

Naisip niya kung anong mga pwedeng mangyari kung hindi na nga bumalik ang babaeng mahal niya. Hindi niya ata kaya.

Hinding hindi niya kaya.

Napabangon siya sa kama niya ay napaupo sa sahig. Sumandal siya sa gilid ng kanyang kama at umiyak na parang bata.

burger | jiminWhere stories live. Discover now