xxxvii

1.9K 117 78
                                    

Kyuri's POV

Hinampas ko ng malakas yung alarm clock ko ng bigla itong tumunog. Paano kasi 2 oras pa lang yung tulog ko.

Nakaidlip ako ng mas matagal pero nagising ako ng may kumatok.

"Wala kaming yelo."

"Hoy Kyuri, tulog ka pa?"

"Anong sa tingin mo?"

"Hindi ka pa bihis? Sundo mo andito na?"

"Gago, graduate na ako."

Saka lang ako napabangon ng narealize ko kung bakit may sumusundo sa akin.

SI JIN PALA!

Hindi si Jin yung susundo sa akin ha, wag kayo. Mamimiss niyo ko pag namatay ako.

Muntik pa akong madulas ng binuksan ko ng konti yung pinto ko.

Lintek na, si Jimin nga, bihis na bihis. Ako amoy panis. Di bale, kaya ko pa tong matiis.

SHET RHYMING LAHAT BOOM PANIS.

Naligo ako ng mabilis. (puta rhyming ulit). Hindi ko nga alam kung ligo yun kasi puro pagpapanick lang ata yung nagawa ko.

Muntik pa akong madulas nung nakapagbihis na ako, ni hindi pa ako nagpupulbos pero ayokong maghintay yung tao. Lumabas ako ng kwarto at nagmadaling bumaba.

"U-uy Jimin..ah..sorry hindi pa ako masyadong handa kakagising ko lang kasi--"

"You look flawless."

Kingina mo, umagang umaga wag mo kong pakiligin.

"A-ah..gusto mong kape bago tayo umalis?"

"Hindi na."

"Ah..sige, tayo na." Nagpaalam ako kay Jungkook at lumabas na ng bahay.

"Tayo na?"

Napatingin naman ako kaagad sa kanya pagkasakay namin ng sasakyan niya.

"H-ha?"

"I mean wala ka bang nakalimutan na dalhin? Aalis na tayo."

Akala ko naman kung ano. Wag ka kasing magisip ng kung ano ano, Kyuri. Kalma.

"Wala na." Ngumiti siya sa akin at pinaandar na yung kotse.

Walang nagsalita sa amin. Nakatingin nga lang ako sa labas ng bintana eh.

Hindi ko rin talaga alam kung bakit ang awkward kaya binuksan ko na lang yung radyo.

This next song is..Paper Hearts by Tori Kelly. This is such an awesome song even though it's been years! Good morning everyone and have a nice day!

Nananadya ba talaga yung radyo ngayon?

Papalitan ko na sana yung istasyon pero hinawakan ni Jimin yung kamay ko para pigilan.

"Huwag mo ng palitan."

Nakatingin lang ako sa mukha niya na nakangiti na ngayon habang nakafocus sa daan. Hinigpitan niya yung hawak sa kamay ko.

"Jimin..yung k-kamay ko." Punyeta, kanina pa ako nauutal.

Binitiwan niya yung kamay ko at nilapag ko naman agad sa gilid ko, pero hinawakan niya na naman ulit.

Parang patay malisya siya kasi nakatingin pa rin siya sa daan at sinasabayan yung kanta.

"Remember the way you made me feel such young love but something in my head knew it was real.." Damang dama niya pa yung kanta habang nakahawak sa kamay ko.

burger | jiminWhere stories live. Discover now